Sabado, Marso 5, 2011

Ibaon Mo Ako sa Lupa

Image result for suffer tumblr


at hahayaan kong umagos ang pagdusa...

Harinawa'y tumigil na sa pag-akusa
Ang mga anghel at si Bathala;
Ako na ngayo'y nag-iisa
Dahil wala
ka
na.

at hahayaang umagos ang pagdusa...

Ikaw ang buhay at pulsong pinipintig
Ng pusong itong lubos na umiibig
At sa espiritu'y anumang kahig
Mananatili
kang aking
hilig.

at hahayaan kong umagos ang pagdusa...

Dahil hindi lamang sa haplos sa katawan
Nararamdaman ang aking kawalan.
Naririnig mo sa katahimikan
Ultimong
bulong ng
kalungkutan.

Ipinid mo ako sa dako mo ng mundo
Hilai't sa hangi'y ako'y isuko.

Nararamdaman mo na ba ang kaibahan?
Ang pagkukulang ng kasiyahan?
Ang paghihintay ng katapusan
Ng istoryang ating iniwan?

Hindi lamang sa tao iibig ang tao
Kundi pati sa buhay
na
wala
ako.



at hahayaan kong umagos ang pagdusa...

25 komento:

  1. ang lalim.. sobra ang baon sa lupa.. hirap hukayin.. pero kung irereilate mo sa mga recent entry mo.. konting pala na lang, maabot din ang kailaliman.

    magandang araw.. hayaan mong umagos ang pagdurusa... wag ka lang magpatianod dito. :)

    TumugonBurahin
  2. salamat sa palaging pagdaan banjo :)
    mabuti at nahinuha mo kahit paano. Hindi ko din gaanong maarok ang sarili ko eh :)

    TumugonBurahin
  3. Ibaon ka sa lupa ng buhay? kailan? Ahahahaha.

    Hinahayaan mo na kamong umagos ang pagdurusa.

    Ibig sabihin, may destinasyon ang paglalakbay upang makamtan ang nais kapalit man nito'y unti-uting pagbaon ng ala-ala minsa sa piling niya.

    TumugonBurahin
  4. you're so pilosopo, Bossing. Kotongan kita eh

    TumugonBurahin
  5. Edit mo nga yong mga mali kong mga salita diyan.
    unti-unting yon tapos minsan.

    Joke lang, ikaw naman. :)

    TumugonBurahin
  6. Ibinaon ka sa lupa kasama ng mga lumipas na alaala...
    Hanep!
    Ang lalim...
    'Yan ba ang epekto ng matagal mong paghahibernate?! :-D

    TumugonBurahin
  7. hibernate? hahahaha. siguro. Npansin mo kuya, madaming medyo nagiging busy sa kanya-kanya nilang buhay ngayon? tulad ni Idol Duks, halos wala ako mabasang bago. Si Boss Jakul din. Yung mga bagong bloggers sa wordpress ang puro nakikita ko ngayon sa dashboard o.... tsk tsk, where did all the OLD writers go? (old talaga eh noh, hahahaha).
    Nakakamiss lang kase makabasa ng wisdom, nung may sense. hahaha. Hindi sa sinasabi kong walang sense yung mga bagong blagers ngayon, namimiss ko lang talaga yung istilo :) buti ka pa, parating may update :)

    TumugonBurahin
  8. Hala ka, Ms. Essa. 'wag ka muna magpapabaon sa lupa; paunahin mo muna ako. hehe.

    TumugonBurahin
  9. palagi nga akong me update, wala namang sense...
    ahahahahaha!
    naiisip ko nga din minsan na wag na lang mag-update eh...
    o kaya magsara na lang ng tuluyan...
    :-D

    TumugonBurahin
  10. palagi nga akong me update, namang sense...
    ahahahahaha!
    naiisip ko nga din minsan na wag na lang mag-update eh...
    o kaya magsara na lang ng tuluyan...
    :-D

    TumugonBurahin
  11. it reminds me of, "I'm a product of my past but not a prisoner of it"
    babangon tayo at dudurugin natin sila.

    xD

    TumugonBurahin
  12. wag kuya mao! WAG KANG MAGSARA! maawa ka sa mga salitang lulutang lutang sa iyong mga panaginip, sa mga ideyang dapat mong palayain at iahayag sa mga tulad kong nangangailangan ng konteng batok sa ulo! :)
    Seryoso, wag ka magsara.


    Boss Jaks, magsasara daw si kuya Mao o! signature campaign tayo! 10 signatures para di sya magsara! :) ganon ka namin kamahal kuya mao! :)

    TumugonBurahin
  13. magpabaon sa damdamin at buhay. wala naman atang gusto nang magpabaon sa lupa diba? gusto mo mauna? wag din! :) hayaan mong dumating ka dun kuya bok, wag mong pagplanuhan :)

    TumugonBurahin
  14. tama sir pong! babangon tayo mula sa hukay at dudurugin natin sila! harharhar :) salamat sa palaging pagdaan sir :) appreciate it :)

    TumugonBurahin
  15. ang totoo,essa, naduduwag akong silipin ang bahagi ng dilim. naduduwag akong silipin ang bahagi ng dilim dahil wala akong dalang pananglaw man lamang mula sa naghahari niyang kadiliman. naduduwag akong kung mayroon man akong dalang pananglaw,ay hindi iyon sapat upang makita ang ikinukubli ng dilim. at kalaunan, pagharian ako ng dilim at mabulag ng tuluyan at maging bahagi na rin ng dilim.

    ganun ko tinitignan ang panulat. ganun ko nakikita ang iyong panulat. isang araw, haplos sa puso ko ang makita ang liwanag sa lahat ng iyong sinusulat. maaaring hindi pa ngayon pero isang propesiyang hihintayin ko na matupad na makita ko ang isang bahagi pa ng buhay mo sa iyong sulatin. yung bahaging masaya na pinalaya ng dilim.

    TumugonBurahin
  16. minsan masarap ding mamuhay sa dilim, upang mas ma-appreciate natin ang ganda ng liwanag.

    hahayaan muna kitang magdusa sa kasalukuyan, darating din ang araw ng paglasap sa ligaya at buhay.. sapagkat sa pagdurusa at kadiliman ay mayroon ding mundong kailangang isatinig.

    hi essa... exchange link tayo? salamat...
    http://lipadlaya.wordpress.com

    TumugonBurahin
  17. nabaon ka na nga ata sa lupa ah?! asan ka na?! wala bang bagong lutong mura?! :-D

    TumugonBurahin
  18. Wala. Wala. Wala. Wala.

    Sabi ko nga.

    TumugonBurahin
  19. nagpabalik-balik... wala pa din...
    busy? out of town?
    ingat ka lagi bb. essa :)

    TumugonBurahin
  20. wala pang update?
    xD

    kamusta boss?

    TumugonBurahin
  21. Marahil, mas wasto ang salitang "pagdurusa" kaysa "pagdusa". Wala lang. Napadaan lang.

    TumugonBurahin
  22. Darating ang panahon at matutuyuan din ang pagdurusang umaagos. Malalagas ang mga dahon ng pasakit na tatangayin ng malaamihang kalungkutan.

    At kapag nahawi na ang dilim ng ulap, ang bagong damdamin ay sisibol na. Wala nang pag-aalinlangan at pag-aalala dahil ang dating umaagos na pagdurusa at naparam na.

    TumugonBurahin