Huwebes, Oktubre 1, 2015

Pagbitaw ng bawat isang daliri ko mula sa iyo




03/21/2015

At sa pagkakataong itong ipinaramdam mo na naman sa akin na 'di na ako ang prayoridad mo,
na 'di na ako kasama sa mga plano mo kahit nakapangalan na ako sa mga ito,
na 'di na ako kasali sa iyong kwento dahil natapos na ang parte ko,
na 'di mo na ako hinahanap sa bawat umaga paggising mo,
na 'di mo na 'ko naaalala sa bawat lungkot at saya mo,
na 'di na sa akin ang numerong itinitipa mo upang tawagan bawat gabing pipikit na ang mga mata mo,

Sa paulit-ulit, paulit-ulit na napatunayan kong tapos na nga talaga tayo,
at sa kahit anong anggulo'y manananatili akong talo,

'Wag mo na akong hanapin, dahil ultimong pagsambit mo sa pangalan ko'y hahayaan ko na lamang ang hangin na makarinig nito

at di na ako.







2 komento:

  1. Hindi-nagpakilalaAbril 30, 2026 12:41 PM

    hindi ko alam kung ang ngayon ay ang ngayong inaantay ko, o kinatatakutan - hindi ko alam pero malamig ang mga kamay ko ngayon habang ang mga daliri ko ay pumipitik sa tiklada ng keyboard... natatakot ako, pero alam kong ano man anbg susunod na mangyayari ay naaayon sa kagustuhan ng Dios. Gusto kong umiyak, pero hindi ko kakayanin kung hahayaan kong tumulo ang unang patak.

    TumugonBurahin
  2. Hindi-nagpakilalaAbril 30, 2026 1:52 PM

    alam kong kapag hinayaan ko ang unang tulo ng luha ay patuloy na itong dadaloy - baka hindi na ako maawat, kahit na mumunting alaala mo ay hindi na magpapa tila nito, di ko na alam - masaydong masakit. masyadong mahapdi.

    TumugonBurahin