kung ano
at sino ako ngayon
ay walang makapagsasabi
dahil mismong sarili ko
ay lumalalim ang pagkatao,
naglalaho sa mundo
nilalamon ng kung ano.
buhay---
iyan ang wala sa akin ngayon.
iyan ang dahilan ng pagkauhaw
ng isipang di nasisilip ang araw.
pakiramdam ay tulog,
patay,
mula sa mundo,
mula sa kung sino talaga ako.
isang malaking misteryo
ang biglaang pagkawala ng aking anino,
ng aking entusiyasmo,
ng pagmamahal ko sa mundo.
nais kong muling matagpuan ang sarili
buhayin ang tulog na damdamin
mahalin muli ang buhay na nakapaligid sa akin..
at sumulat..
sumulat ng walang katapusan.
ilabas ang lahat ng kinikimkim ng kalooban
at umabot sa kung saan nito ako maaaring dalhin,
di sa pamamagitan ng paa
kundi sa pagsulat at paglipad
sa hangin.

ngayong nagawa mo na ang sumulat, humayo ka't tuklasin ang buhay.ang agam, ang pag-ibig, at baka sakaling ihatid ka niya sa pintuan ng iyong paglalakbay.
TumugonBurahinmagandang araw!
hello po sa inyo? daan lng po sa bhay nyo....
TumugonBurahinOo, nakikidalamhati ako at hayaan mong samahan kita sa iyong pagtuklas ng mga bagay bagay at sabayan ka sa iyong paglipad sa hangin :-)
TumugonBurahinWhaaa!!! napadaan lng ako :-)