Huwebes, Oktubre 28, 2010

Sa Harap Ko'y Condoms


Dalawang araw na, pero di pa din ako makaget-over sa narinig ko sa radyo.

Taberna and his Kombatyero (I forgot the name) asked their listeners kung ano daw ang reaksyon ng publiko sa pagiging hindi visible ni PNoy sa PAGASA meetings during Bagyong Katring.

The  first texter-listener sent a message:

"Bakit, mawawala ba ang bagyo kung umattend ng meetings si PNoy?"

Tawa ako ng tawa. Tama naman. Tama kaya! (Aminin mo sa sarili mong pumalo sa sense yung sagot nung texter)

The very problem with us Filipinos is that we keep being dependent on someone (Di ko sinasabing ikaw mismo, di din naman ako din mismo. Pangkalahatan lang, kapatid). Nakita ng madami si Noynoy bilang isang potential superhero --  isang role na ginampanan ng ama niyang si Ninoy na inaasahan namang gagampanan ni Noynoy in turn.

Labo... Filipinos have always looked up to someone as their savior, which in fact, contradicts another intrinsic nature ng ating lahi ---

We are all afraid of changes.. BIG CHANGES..

Cha-Cha. Nung unang inimplement yung pink-and-blue na mga bakod ni Bayani Fernando. Martial Law. Yung iba't ibang EOs na inilabas ni GMA para patahimikin ang mga opisyal niya. Adjustments na dapat gawin ng bawat isa para ma-lessen ang damages pag may krisis sa bigas, bagyo, tubig.

Takot tayo sa mga pagbabago. May proposal palang na bagong project ang gobyerno, ayun, larga, hala, welga sa Mendiola.

But we look up to a savior, ngunit pinipigilan natin yung mga nais nilang gawin. Katulad niyang nagkaroon ng bagyo. Tama na nung nagparamdam si PNoy nung unang pagsasabon niya sa PAGASA. It was fine (para sa akin) na hinayaan niya ang mga tao sa ahensiya na iyon ang kumilos sa Katring. Presidente siya, di siya weather forecaster. At least now, PAGASA did better. (Aminin mong bumaba ang casualties compared sa ibang mga bagyo with the same lakas)


*********

Nasa jeep ako kagabi, may umakyat na batang gula-gulanit ang damit, madungis, nag-aabot ng mga envelope na may nakasulat sa harapang "Pahingi po ng pambili pang-kaen".

Punuan kami. Nakatayo ang bata sa gitna, naghihintay ng kung sino mang maglalagay manlang ng barya sa envelope. Eh wala.

Tas yung katabi kong ale, nagtanong "Ilang taon ka na ba?"

"Lima", sagot ni bata.

"Asan ang nanay mo?"

"Nangangalakal", sabay kuha ng mga enevelope na walang laman tsaka tumalon ng estribo at umakyat sa iba nanamang jeep.

Ang weird. Di ko ma-gets kung bakit mo pa aalamin yung mga bagay-bagay sa buhay ng bata, tas bubulong ka ng "Anong klaseng magulang yung mga magulang nun" pag nalaman mo na.

Una sa lahat, di ka naman makakatulong. Pangalawa, tsismosa ka pa din kahit anong baet ng tono ang gamitin mo sa pagtatanong. Pangatlo, wala kang karapatang i-condemn yung mga magulang nung bata. Bakit, ikaw din naman siguro may imperfections bilang magulangdi ba? Pangapat, anong klaseng magulang ka din ba? At panglima, wag mong kaawaan, dahil those kids were not meant to be sympathetized over, THEY WERE MEANT TO BE HELPED.

*********

Sa harap ko ngayon ay isang condom ng lalaki at condom ng babae. Oo, yun nga, yung naiisip niyo, yun nga yung nasa harap ko. Condom lang, wag kang masyadong green.

Ito ay sa kadahilanang naatasan akong gumawa ng isang essay tungkol sa kahalagahan ng paggamit nito. Mahirap...yung mga target readers ay age group ng 10-17.

Nahihirapan ako. Lalo na pag tinitignan ko yung illustrations ng pano to nilalagay. Lalo na pag naaalala kong yung advocacy ko ay may presumption na mababa pa ang prevalence ng premarital sex among this age group. Na alam ko namang di naman talaga.

Sa tatlong taon kong pagiging youth representative (at currently junior staff) ng isang organisasyong naglalayong iangat ang karapatan ng mga kabataan dito sa Pilipinas, tangina, lahat na ng klase ng bata na-meet ko na.

Nabuntis ng 9 years old palang. 13 year-old prosti from Malaysia na nabiktima ng trafficking. Adik sa solvent, sa bato. Batang infected ng STD o ng AIDS. Batang lalakeng nirape ng teacher nyang babae at vice versa (Oo, may mga estudyantent nang-haharass ng teacher). Name them, I had a talk with them once or twice na.

Nahihirapan ako kase hanggang ngayon ayaw aminin ng lecheng society na ito na mas madami pang alam ang mga kabataan sa mga ganoong gawain ngayon kesa sa mga matatanda. Nakakabwisit, hindi pa ba halata yan sa dami ng sex scandals ngayon? Name the university, name the college, name the school, meron at meron yan.

Tanggapin na natin ang RH Bill, parang awa nyo na, nang iba na ang dapat gumawa ng ganitong klaseng mga essay at magpaliwanag sa sankalibutan ang kawindang-windang na istorya ng libog at bisyo sa kasalukuyan...

Masimulan na nga itong dapat isulat....


"You know them as condoms... We know them as protection..."


10 komento:

  1. ahahahahaha, para sayo, sige. hintay lang :))

    TumugonBurahin
  2. very well said. bukas na isip at malayang pagpapahayag. tingin ko,na sa'yo ang katangian ng blog writers na kailangan ng kasalukuyang panahon. seryoso talaga. magaling kang sumulat. lipat na ako sa tula.

    TumugonBurahin
  3. Ikaw ang kabataan, mulat na kahit singkit pa sa karanasan, maaaring madiing paghuhusga 'yon pero isang pagpapahayag na nais isatinig na dahil "kabataan" ka, kumpara sa mga matatandang, nag-aastang may alam pero isa ring kulang sa kaalaman.

    Isa ka rin sa mga sumisigaw ng pagbabago, isa ka rin sa sumusulat para sa pagbabago. Ayos na ayos 'yan.

    Kung saan ka dadalhin ng obserbasyon at pakiramdam mo, magkita sana tayo sa iisang lugar.

    :) Hi, ako si Kuli :)

    TumugonBurahin
  4. swerte ko naman at dumalaw ka :)

    wala na akong ineexpect na pagbabago, dahil di ako naniniwalang mangyayari pa to. ginagawa ko nalang kung ano ang kaya ko para maisalba kahit kakaunti ang mundo :)

    maraming salamat sa pag-aabala Kuli :)

    TumugonBurahin
  5. naman, 9 years old pa lang buntis na. iba na talaga panahon ngayon. :D

    TumugonBurahin
  6. tomo.... totoo yun... shocked me :)

    salamat sa pagdalaw :)

    TumugonBurahin
  7. whoah.... nung una kong mabasa ang title akala ko medyo green ang topic. pero nung mabasa ko na, natulala, napaisip,. den napa WOW!. as in WOW! super WOW! talaga. ganda ng sinulat mo :-)....buti nalang naligaw ako d2 sa page mo. atleast nagkaroon ako ng chance na mabasa to :-)
    ---------kriz---------

    TumugonBurahin
  8. Salamat sa pagdayo kriz..
    Napa-WOW ka sa katotohanan?

    Nakakalungkot kaya...

    Kape tayo o :)

    TumugonBurahin