Ang ganda pa naman ng gising ko, Ale. Naligo, nagbihis, kumaen ng paborito kong tocino, nanood ng tagalog na Spongebob.
*buntong-hininga*
Umalis ako ng bahay ng late na, dahil alam kong Biyernes ngayon, at binigyan ko ang sarili ko ng karapatang mag-cutting. Alam mo Ale, di ko naman inaasahan kaseng mababago ko ang mundo sa pagkapasa ko sa pag-aaral. Lalo na kung ang pagliligtas ng mundo ay mangangahulugang ililigtas ko ang mga tulad mo.
Sumakay ako sa jeep. Yohoo. Ang hangin. Tas nakatsamba pa akong makaupo sa dulo, sa tabi ng estribo (Habit ko na yun, baka kase may pumasok na manghoholdap, para masipa ko agad palabas ang pagmumukha nung ganoong kriminal). Andun ka o, nakaupo isang metro mula sa akin na may kalong na maliit na plastik at may katabing batang lalake na tingin ko'y anak mo.
Hay. Ang ganda ng umaga.
"Bayad po. Makikisuyo po." :) Ang sarap maging magalang pagkatapos makanood ng kabobohan ni Patrick. Buti nalang tao ako at hindi starfish, kaya dapat marunong akong gumalang.
GUMALANG.
At ayan, Ale, nung narinig mo ako, lumingon ka saken, tinignan ako mula ulo hanggang paa, tas mula paa hanggang ulo nanaman. Sabay sabing
"Ikaw ang mag-abot. Upo upo ka dyan sa dulo tas magpapaabot ka ng bayad? Kita mong may plastik akong hawak tas kapit ako dito sa bata. Tsaka pababa na ako."
Napalingon tuloy saken pati yung ibang pasahero. Wag ka mag-alala, Ale, di ako nagmake face nung inalis mo na tingin mo saken. Di din kita tinignan ng masama.
Mabuti nalang maganda gising ko. Napatunayan ko yun nung walang umusbong na "PUTANGINA MONG BABOY KA. KAYA SIGURO BADTRIP KA KASE INAYAWAN KA NG ASAWA MO KAGABI. ANTABA MO KASE, ANG PANGET PA NG UGALI MO" sa utak ko. Napatunayan ko yun nung di ako sumagot sayo ng isang "EH BA'T DYAN KA PALA UMUPO KUNG AYAW MONG MAG-ABOT?"
Yung anak mong batang lalake, tingin ng tingin saken, at nakita ko ang pagtataka niya sa laki ng pagkabilog ng kanyang mga mata. Sigurado akong nagtaka yung anak mo kung anong ginawa kong sobrang sama para pagsalitaan mo ng ganun.
Sabi mo malapit na kayong bumaba, Ale. Limang minuto mula nung sumakay ako, di ka pa pumapara. Napag-alaman kong bababa ka pala isang kanto pa bago ang sarili kong bababaan.
Kaya nung pagkababa mo, lumapit na ako sa drayber, nagbayad. Napatingin saken si Manong with matching "Ang baet mo naman, di ka pumalag" na nagpangiti nalang saken.
Ale, siguro di malaking isyu sayo yun, pero para saken, oo, big deal.
Ang ganda ganda ng umaga ko, babahiran mo ng dungis ng pagkagago mo. Buti at di pumutok pasensya ko.
Kaya ngayon, naisip kong
- Una, Ale, Pinoy ka ba? Dahil alam ng bawat isang Pinoy na kapag nasa jeep ay mao-obliga kang mag-abot ng mababahong mga barya mula sa mga kamay na kung san san na humawak. Simpleng Filipino courtesy.
- Pangalawa, naging magalang ako. Ikaw, ano tawag mo sa sarili mo? Anong tawag mo sa ginawa mo?
- Pangatlo, madadala ako sa isang isang simpleng "Naiinggit ako sa chandelier earrings mo, at dahil sa inggit ko, ayaw kong iabot ang bayad mo", o sa "Bata ka pa, sariwa kumbaga, at ipinamumukha mo saken na matanda na ako at mataba na. kaya iha, ikaw na mag-abot". Tumatanggap ako ng kahit anong dahilan na para saken ay papalo para sa rason. Kaso tinaasan mo ako ng boses, Ale. Sa di malamang dahilan. Isang "Pasensya na, di ko maiaabot eh" could work miracles, Ale.
- Pangapat, di ko alam ano pinagdadaanan mo. Siguro madami kang kaaway noh? Siguro lubog ka sa utang? Siguro paborito ng anak mo ang fried chicken pero tuwing luto mo'y may dugo padin ang laman? Siguro naubusan ka ng sabong panlaba? O kaya, siguro, Ale, tigang ka na? Kung ano man dahilan mo para subuking babuyin ang umaga ko, wala akong kinalaman dun.
Kahit na. Ang ganda padin ng umaga. Hay.
Dadi Lord, pasensya na kung di ako agad makaget over kay Ale.
Ale, nahiya ako para sa anak mo. Di ko ikukundena ang pagiging tarantado mo dahil mas tarantado pa ako sayo. Nahiya ako para sa bata dahil alam kong sa ugali mo, di mo sya kayang turuan ng kagandahang-asal, o kahit ang basic na PAGGALANG. Ale, kung anuman ang dinadala mo, sana di mo ituloy ang pangiinis ng mga taong makakahalubilo mo ngayong araw. Tsaka siguro, marami kang kapit-bahay na handang sumalang sa Face-to-Face para bara-barahin ka.
Dadi Lord, alam kong maliit ang tsansang mabasa ito ni Ale, pero ganun padin, ipagdadasal kong sa isang pahagip na paraa'y maiparating mo sa kanya
na sa dinami dami ng tao sa mundo,
sa dinami dami ng masama ang loob sa kanya,
yung estrangherong sinungitan, binastos, at pinahiya niya sa jeep
ang di sumagot sa kagaguhan niya, at bagkus
ay inubos ang isang buong magandang umaga
PARA INTINDIHIN SIYA AT ANG MGA PINAGDADAANAN NIYA.
Amen.
P.S.
Ano moral lesson?
Wag magsuot ng chandelier earrings dahil may mga naiinggit.

tama tama, baka nga! :)
TumugonBurahinTalk about suffering from menopausal trauma.
TumugonBurahinNasabi mo na kung ano ang kaniyang mga posibleng problema kung bakit ganun, salamat dahil naunawaan mo siya.
TumugonBurahinSabi nga, kung sino ang mas malawak ang kaisipan ay mas inaasahang magbigay kaysa siya ang bigyan. Hanga ako sa ipinakita mo.
:)
May mga ganyang pasahero.
May pasahero ding katulad mo.
'Yan ang byahe ng buhay, hindi lahat maganda, may lubak na kalsada, pero patag din kung titingnan mo.
:)
Buti na lang at ipinakita mo ang tamang pag-uugali ng isang edukada...
TumugonBurahinAyos lang na hindi mo pintulan dahil baka kung san pa kayo mapunta...
Maraming magagandang umaga pang darating at mga tulad ng umaga mong ito...
Basta habaan mo lang ang pesensya at pagintindi sa kapwa mo...
Huminga ka lang ng malalim at tsaka mo sabihin:
"May araw ka rin sa 'kin!"
:-D
Magandang Umaga!
:-D
...dapat hinampas mo na nang tubo ang ulo...
TumugonBurahinmaiba lang nang comment heheheh
Marami talagang nagiging bastos dahil na rin sa umiiral nating sistema: bulok, inuuk-ok, naagnas, nakasusuka, nakasusulukasok, nakababastos. Sa Kongreso at Senado nga lamang, naririyan din ang samu't saring kabastusan. Sa hudikatura, sa mga negosyo, sa Simbahan, etsetera. Mabait kang bata, ramdam ko kaya hindi ka "pumalag." Marunong kang gumalang sa matatanda, hindi dahil kay Patric Starfish na kaibigang matalik ni Spongebob Squarepants. Dahil may puso ka pa. May kaluluwa. At oo nga pala, may teoryang kung lalaki ang Kristo, tiyak na babae ang kontrapelo nito - si Taning. Nakikiraan lang po. :-)
TumugonBurahinBoss, salamat sa parating pagdaan :)
TumugonBurahinNgayon, nasagot na ang iniisip mo kung maangas ba ako sa personal.
Hahaha, depende sayong makakahalubilo ko.
Siguro minsan sa buhay ko nagkaroon ako ng dahilan para mabadtrip, siguro nandamay din ako ng iba noon..
Pero nagkataong
MAGANDA LANG TALAGA ANG UMAGA.
Kaw Boss, parati bang maganda umaga mo? :)
Dapat hinampas ko sabay "TAENA MO, MAY SASABIHIN KA PA BA?" noh? hahahaha. pag nalasing siguro ako, which seldom happens in public, baka magawa ko :)
TumugonBurahinMikki, pasensya na kase may isang bagay akong hindi sinasang-ayunan.
TumugonBurahinYung pagiging edukada ko.
tingin ko kase hindi, dahil may mga bagay na pag pinagusapan ay bobo padin ako :)
pero siguro, mas edukada yun si Ale. Di ba ang mga matatalino ay nababaliw? Matalino siguro yun :)
Maraming salamat sa pagdaan :)
Sir, maraming salamat sa pagdaan :)
TumugonBurahinPasensya na kung medyo nakakaasiwa ang aking mga akda kmpara sa mga nakapost sa iyo na sobrang napapanganga ako kapag ako'y dumadaan at napapabasa :)
Babae nga siguro si Satanas, dahil sa maraming paraa'y naging downfall ng humankind ang mga pinaggagagawa ng kababaihan. Pero babawi ako sa pagsabing may mga kababaihan din namang nagliligtas ng mundo.
Pero sigurado akong hindi isa si Ale sa mga dakilang iyon :)
Hanga naman ako, sa totoo lang sa ibang tao mangyari ang ganyan, kung hindi sasagot eh, sisimangot at bubulong bulong na lang, eh sa halip easy ka lang, kung sabagay, kung pinatulan mo ang bastos na ale, mas magiging bastos ka at mas hindi kagalang galang..
TumugonBurahinsiguro nga may pinagdadaanan, alam naman sigurado ng ale na mali ang ginawa nya, baka nga bago ka pa lang sumakay eh badtrip na sya sa pinanggalingan nya, yun nga lang ang prob.. nadadala nya kahit saan ang problemang iniwan.
apir marekoy, dumaan po at umepal na din... :)
Hindi rin maganda ang umaga ko lagi, normal yata na minsan babadtripin ka ng panahon, ng pagkakataon, minsan simpleng pag-utot lamang ng kapuwa ko pasahero, naiiba ang timpla ng ilong ko, magpapadala siya ng signal sa utak na, mabadtrip ako kasi, magdadrama na ang ilong ko, tutulo na ang sipon, tuloy tuloy ang pagluha ng sipon ko kesa sa mata ko. Gulo ah! Basta ganyan kapag nabadtrip ako, kung anu-ano ang naiisip at nagagawa ng katawan ko.
TumugonBurahinAnyway, siguro sa gulang kong ito, mas binibigyan ko ng puwang ang mga positibong bagay at pangyayari kesa sa ang mga negatibo dahil, hindi na ako bumabata, mas dapat na akong mag-isip ng mabuti, mas dapat ako na ang nagbibigay kesa sa bibigyan.
Wala akong sekreto sa umaga kungdi ang isipin na Maganda ang Umaga, may mga mahahalimuyak na tao sa paligid, may nag-iintay na trabaho sa opisina, may mababasa akong bagong posts sa inyo.
Buo na ang araw kong maganda.
Ganun lang. :)
Di ko alam kung maiinis ako sa ale o matatawa nalang sa harap ng pc, Maganda parin ang araw kahit na ininis ka ni ale, at dahil sa kanya ay nakabuo ka ng isang magandang akda.
TumugonBurahinBinabati kita! hehe!
patulong ka sa mga kimerald...ratratin na yan hahahahah
TumugonBurahinang pumatol sa baliw, ay syang mas baliw.
TumugonBurahinpero alam mo, dapat sa kanya, pinasasabugan ng boga!
kagalakan ang malaman na sa karanasang ito, nanaig pa rin ang iyong pang unawa sa kalagayan ng iyong kapwa. minsan, sa dami ng problema, people just snaps then and there. that time, hindi ikaw, kundi siya. and thats it. a pat in the back, essa. ayokong isipin kung anu sana ang istorya kung naging masama pala ang gising mo.
TumugonBurahinsalamat sa pagdaan.
TumugonBurahinsana maganda din umaga mo :)
tama ser :)
TumugonBurahinhahahahahahahaha!
PAANO NGA KAYA KUNG MASAMA ANG GISING KO?!!!!
Hi essa, at last na dalaw ko rin ikaw dito sa kuta mo, alam mo naman naging topic tayo sa post ni Kuli hehehe
TumugonBurahinAnyway bilib ako sayo dahil kahit tinarayan ka ni ale, hindi mo parin sinira ang araw mo... pero letse yun ha ang taray! sana tinarayan mo rin hahahaha joke.. or sana hinablot mo ang mala chandelier niang earrings ng magtanda tadong yun :D
tangna, kung sakin ginawa yan baka nakalimutan ko yung natitirang manners ko. haha
TumugonBurahinWala pang bago si Patrick pa rin ang nandito.
TumugonBurahinmedyo demanding sa bagong posts? hahahahahahha
TumugonBurahinHanak ng tokwa't baboy. Alam mo, ayoko din sa lahat, yung bastos. Pwede namang "Iha, ikaw na lang, may kalong ako oh.
TumugonBurahinKumukulo ang ulo ko sa ganyan.Yung nga lang taasan ako ng kilay eh. Pero hindi nga ikaw si Patrick. Matalino ka at may pinag-aralan.
Bka nga nainggit sya sa earrings mo. Yan daw kasi yung nakita niya as tindahan na hindi nya mabili dahil kukulangin pambili ng tuyo nila para sa darating na hapunan.