Isang hithit. Isang buga. At ang usok na namasyal sa aking baga ay humalo sa hangin, humalo sa usok ng siyudad. Humalo sa usok ng baho ng ibang tao.
Kadiri.
Ang biglaang pagsulpot ng ideyang iyo'y gumulat sa akin at nagpabulong ng, "Bobo, tao ka din kaya".
Sa katangahan ng sitwasyon, napangiti na lamang ako. Dumako ang aking kaliwang palad sa aking dibdib, hinuhugot ang kapirasong kumot na binalot ko sa aking sarili.
Alas-otso. Pasimula pa lang ang buhay ng aking mga kaibigan sa oras na ito. Buhay na gugugulin nila kakainom at kakasayaw sa gabi. Isa pang ngiti. Hindi naman sila mga pokpok, sadyang sila lang talaga ang "kabataan".
Tangina, kabataan.
Madilim ang langit, malamig ang hangin. At malakas ang ulan.
Hindi ako namimilipit dahil sa biglaang paghampas ng simoy ng bugsong hangin sa akin. Namimilipit ako sa biglaang pagsunggab sa akin ng mga alaala.
Ng mga parehong madidilim na gabi na nakakulong tayo sa iyong kwarto. Ng mga parehong pagkakataon na ang malamig kong hubong katawan ay pinapainit mo ng pagpapadaan ng iyong mga palad. Ng mga parehong oras kung kelan hindi paparis ang lakas ng ulan sa rurok ng pinag-isang libog at emosyon.
Napapikit ako sa pag-agos ng ala-ala. Napakuyom ang aking palad at nagsimulang manginig ang dalawang daliring kumakapit sa sigarilyo.
Naalala ko ang dampi ng iyong balat sa akin. Siguro nga'y hindi sinadya ng Diyos na maadik ako sa mainit na pagtatampisaw natin sa dilim. Hindi Niya siguro ninais na matameme ako tuwing maiisip ang paglalakbay ng aking mga daliri mula sa iyong mukha, leeg, balikat, pababa sa iyong dibdib kung saan ko nararamdamang pumipintig ang iyong puso sa saliw ng musikang nililikha natin.
Napapangiti ako sa pag-alala ng mga panahong hawak kita sa aking mga palad, minamahal sa pakikiramdam, habang hinahagod ko ang kahabaan mo. Mananatili akong mapapangiti sa memorya ng paglalaro ng apoy sa iyong mga mata.
Puta, hindi nga siguro ako dapat tumatambay dito sa terasa 18 palapag mula sa lupa. Iba ang hangin. Iba ang dala sa aking isip.
Tumatawa tayo dati sa ating biro na bawat galaw ng palad, bawat dampi ng labi at dila at bawat pag-iisa nati'y liriko sa isang panalangin sa Diyos ko na pinagtatabuyan mo. Nangingiti na lamang tayo sa bawat paghila natin sa isa't isa na may mga mala-demonyong kislap sa mga mata.
Isang hithit. Isang buga. Kasabay ang pagpikit at isang ngiti ng pag-alala sa bawat pagdaan ng iyong dila sa aking kaibuturan, sa bawat matiim na pagsipsip sa aking labi, at sa iyong bawat pagbulong na aalila sa akin sa mga susunod na gabi. Kapag ganoo'y alam na natin kung anong klaseng laro ang ating kahahantungan. Pagkatapos ng ilang sandali, o oras, makikipag-pustahan ako na nasa loob na kita. Pumupuno sa kaibuturan kong blangko.
Pumupuno sa pagkatao ko.
Pagmulat ng aking mga mata'y sumabay ang kidlat sa pagdaan. Kanina... Tangina, iba ka na naman kanina..
Pagkatapos ng ilang oras nating pagkagupo sa kama, umupo ka sa sahig, sumandal sa pader at nagsindi ng isang stick ng yosi. Tumulala. Noon palang, alam ko na.
May mali.
Kaya't ako'y tumayo, nagsindi ng yosi, umupo sa harap mo at sumandal sa kabilang pader. Tinitigan kita
at binalik mo ang matiim kong tingin.
Wala sa hulog ang paghalik mo sa akin kanina. Bihira. Hindi katulad ng dati na may pinaghuhugutan. Tumatama ang ating mga labi, ngunit naramdaman kong hindi nagtatama ang agos ng emosyon na dapat ay pareho nating kinatutungtungan. Ramdam ko ang pagiging balisa ng iyong mga kilos na hindi dapat scripted.
Nanatili tayong nakaupo, nakatitig sa isa’t isa habang dahan-dahang naglalakbay ang utak ko pabalik sa nakalipas. Nakalipas na apat na taon nating pinagsaluhan. Nakalipas na pinuno natin ng mga eksenang pagro-romansahan.
Iilan lamang ang mga pagkakataong umaakto ka ng ganyan, nagpapaka-sasa sa akin ngunit hindi nakukubli. Tandang-tanda ko ang sakit na paulit-ulit na papatay sa akin nang minsan kong marinig ang pagsambit mo ilang taon na ang nakalilipas.
At sa oras na iyong nagkakatitigan tayo, nakita kong nagiging malamlam ang iyong mga mata.
Mahal mo nga ako. Mahal mo pa din ako. Sa kabila ng mga kagaguhan mo. Sa kabila ng pagiging mala-impyerno ng relasyong ito.
Mahal mo pa ako. Doon, ako’y sigurado.
Naging marahan ang iyong paghaplos kanina, haplos na tila ba gumagawa ng tanong sa aking utak:
Mapapatawad mo ba ako? Muli?
Tangina, o paranoid lang talaga ako?
Nanatili akong nagmamahal, nagpapahalaga sa’yo sa loob ng mahabang panahon.
Nanatili akong tapat at totoo. Nanatili akong walang ibang ginusto kundi ikaw
Ikaw at ang iyong mga halik,
Mga hawak,
Ikaw at ang iyong mapanuksong paglalahad ng palad DOON.
Nahuli ang aking atensyon ng iyong tahimik na paglapit. Nasa likod na pala kita. Napa-buntong hininga ako nang inabutan mo ako ng yosi. Takot akong tumingin sa’yo dahil alam kong makikilala mo ang makikita mo sa mukha ko.
Pagkatapos ng isang buong araw kong pagpapantasya ng isang buong buhay kasama ka na walang ginawa kundi magpa-ligaya ng isa’t isa. Pagkatapos ng ilang buwan kong pag-aakalang hindi na mauulit pa. Pagkatapos ng ilang taon kong pagtitiwala. Heto. Heto at sasabog nanaman din pala ako.
Iniangat ko ang aking ulo, sabay napabulong ng,
“Putangina, MAGALING BA SIYA?”.
At nang magtama ang ating paningin,
Nakita ko mismo na nawala ang ningas ng apoy na nilikha natin.

Base muna!
TumugonBurahinhahahaha mamaya na sa bahay babsahin.. ang haba eh LOL
balik ako laturrrrrr alligaturrrr
binabasa ko. ang haba nga noh. hahahaha, pasenyaness :)
TumugonBurahinwow, bagong palit ng layout ah. nice. :D
TumugonBurahinsalamat sa themes, nag-mukha nang malinis ang aking bloghay, hahahaha
TumugonBurahinBinasa ko na.
TumugonBurahinbabasahin ko ulit.
Mag-iinternalize ako para mas maaappreciate ko ang sining na hatid nito.
Tanong lang.
Anong uri ng relasyon mayron sa apat na taon sa kama?
boyfriend, Boss. hahaha, tae, may pag-internalize?!
TumugonBurahinDi ko maarok ng isang pasadahan lang. Uulitin ko ito. Katulad ng nakaloob ditong apat na taong pagtatampisaw sa kaligayahan. Uulitin ko ito. Di ako magsasawa. Mga matang nag-aalab at isipang dahan-dahang hinahaplos ng mga salita habang ako'y nagbabasa mula taas hanggang sa pinakakuko ang akdang ito. Nag-aalab ang aking damdamin habang marahan kong ipinapadausdos ang aking mga palad upang masisid ang kailaliman ang nais mong ipahayag.
TumugonBurahinapat na taon. kung tutuusin, sobrang tagal kaso lang, sa pagbabasa ko ng post na ito, hindi kaya ang apat na taon ay umikot lang sa pundasyon ng sekswal na bahagi ng relasyon? oo alam ko, isang napakalaking bahagi yun pero hindi yun ang kabuuan.
TumugonBurahinsiguro, hindi ko lang talaga naiintindihan ang kabuuan kahit pa nga dalawang ulit kong binasa.
'putang-ina, magaling ba siya?'
sana tinanong mo na lang kung mahal ka niya.
so anong na-realize mo in the end?
TumugonBurahinAt mula sa rurok, ika'y babagsak. Ayoko talagang hindi diretsong hinahatid ang mensahe, pero sa panahon ng pag-iisip at pagti-tipa, dire-diretso ang agos ng damdamin. Damdamin na pinung-pino at buong-buong inilahad... Ang hahanapin mo na lamang ay ang eksena ng sitwasyong ito.
TumugonBurahinPag naarok mo'y buo na ang kwento :)
Salamat sa pagpapainit, sir joey :)
Pasensya na kung medyo naguguluhan.
TumugonBurahinO sadya lamang na tuwing binabasa ko ito ay buong-buo ito sa utak ko?
hahahahaha, na-miss ko pagdalaw mo sir duks! :)
wala.
TumugonBurahinmagandang tanong yan, hahahaha.
WALA. wala na naramdaman ko sa loob ng mahabang panahon. wala. dahil nabubuno man ang pagkatao ko sa pagpuno niya sa aking kaibuturan, naiiwan pa din akong blangko kapag ako na lamang mag-isa. punyeta.
napakagandang tanong.... hmmm.... :)
mga kapatid, medyo aayusin ko ah.. hahahaha, psensya sa pag-aabala :) maraming salamatness!!!!
TumugonBurahinsequel ba 'to nung post mo na "apat na taong nagliwan sa tingin" ata ang title nun?
TumugonBurahin:D
gumawa ako ng ilang pagbabago na inaasam kong makakatulong upang mapadali ang proseso. HAHAHAHAHA. ayoko nang i-edit ang mga sinulat ko, inayos ko na lang ang mga technicalities (T_T)
TumugonBurahinhunyeta, Essa, ano ba kase tumatakbo sa isip mo ng mga panahong ito?! hahahaha
hindi po kuya mao :)
TumugonBurahinhindi ko nakita kung saan doon nabago. ang hina ko kasi sa teknikalitis.
TumugonBurahinstill, nalunod ako sa madilim na sining na sayong sayo ko lang madalas maranasan. mas pinagtutuunan ko ang lalim ng kwento kaysa mismo sa karakter. pasensiya na.
lengthy entry but really worth it! keep it up! :)
TumugonBurahinsalamat sa pgadaan alitaptapers :) sa susunod ay hindi mo na kelangang kumatok upang pumasok, you're always welcome :)
TumugonBurahinalam mo sir duks, ang pagiging madilim ng mga akda ay hindi ko naman talaga sinasadya :) pero salamat, dahil isa ka sa parating matitiyagang nagbabasa at nagsasabi kung ano ang naiisip. the akda is your to interpret :)
TumugonBurahinat balang-araw, magpupugay ako sa inyong aking mga idolo. BOW.
Yes, matalinghaga ang mga pangyayari dito sa post na ito. Dinala moko sa isang mausok na lugar.. At akoy na chuchuka sa usok.. hahahahaha
TumugonBurahinhindi ba maaaring palagi mo syang kasama? para hindi ka naba-blangko kapag nag-iisa.
TumugonBurahinhindi eh, kabs... may kanya-kanya kaming buhay :)
TumugonBurahinpasensya na kung nakakasuka, hahahaha :) polusyon ng isip ba ito?!
TumugonBurahinHayun, nabasa ko na ang rules. Sige subukan kong sumali. Sus, binola mo pa ako. Ginawa mo pa akong pangsabong...hehe.
TumugonBurahinGandang gabi!