Biyernes, Hunyo 10, 2011

KAMALAYANG-MALAYA 2: Daloy-diwa

KM2: Hiyaw Mula sa Commonwealth Ave.

Umaalingawngaw ang kanyang sigaw. Ito ang daloy ng buhay.


Araw araw, ang aking pandinig ay pinupuno ng sangkatutak na busina mula sa iba’t ibang pampaseherong sasakyan. Hindi rin magpapahuli ang mga pribadong kotse na lulan ay mga maharlika na patungong Batasan. Napapagod ang aking mga mata kakatanaw sa mukha ng mga nagdaraan kung saan mababanaag ang dinaranas nilang kagaguhan. At ang lasa…ang lasa ng Commonwealth Ave……. Ang lasa na paulit-ulit kong babalikan at di pagsasawaan. Mabubuhay akong ganito, nakaupo sa bangketa, may sipat na plastik ng rugby.

O, tangina mo, ano tinitingin-tingin mo? Wag kang magmalinis, tarantado! Di ka rin naman banal, parehas lang naman tayo! Eh gago pala kayo, ano ako, dikya na nilalayuan ninyo? ‘Ina niyo!

Punong-puno ako ng panibugho sa inyo! Hindi ako tulad n’yo na ang adhika ay umangat at maging maruwag sa buhay. Nais ko lamang ay mapag-isa ang tagpi-tagping pagkahumaling ko sa karimlan.

Eh tarantado ka pala eh! Sino nagsabi sayo’ng may iba pang solusyon? Wala! Para sa isang tulad ko na barya lamang ang nasa bulsa at tanging kalsada ang kublihan, may maaasahan ba akong kalutasan? Putangina, alam mo ba ang pakiramdam na sa umaga ay gigisingin ka ng halinghing ng ‘yong nanay na nakikipagkantutan sa asawa ng kapitbahay? Eh naranasan mo nang magpakabusog sa alikabok para lamang mabuhay? Ang tatay ko ay tanging nangangalakal, lumalabas na ang kuyukot niya kakapulot ng yamutmot sa daan. Manananggal ako sa gabi dahil naghahanap ako ng baklang matsu-tsupa para sa hithitan. Ganoon ang buhay ko. At ang buhay ko, paraiso ng hangal, paraiso sa mga kagaya kong isinilang at lumaki sa Commonwealth Ave.

Ah, tong peklat sa mukha ko? Nakipag-bangasang-nguso ako sa may kanto. Wala yan sa peklat ng pagkatao ko, ‘tsong. Ang pagkalam ng sikmura’y masasagot lamang ng isang hugot ng malalim na paghinga mula sa supot. Luwalhati…. Luwalhati…. Sa kalauna’y ako ang magiging hari.

Tuwing sinusundan ako ng alingawngaw ng kahirapan, nananatili ako sa yungib ng pagkaalipin sa rugby. Tangina, pag ito ang hawak ko, tanggal lahat ng lugami! Kahit nangangalumata at hubog, oo, luwalhati.

Ito ang pulot-pukyutan ng tulad kong hangal.

At ako si Boy Jorge ng Commonwealth Ave..




MAKIISA, MAKI-"KAMALAYANG MALAYA"! Bow.



54 (na) komento:

  1. wow,pare! ang bigat!

    kakaiba,pare. akala ko pare, matindi na yung sa isa, pero mas matindi pala 'to. wow talaga,pare. heavy!

    una, thank you, essa. thank you dahil sa malikhain mong lahok.

    pangalawa, nagandahan ako dito dahil ito ay obserbasyon at kwento ng totoong buhay na bagamat posibleng fiction lamang, alam nating hindi ito malayo sa reyalidad. at kung paano mo isinatinig ang gusto nilang sabihin. yun yun eh!

    pero kahit gaano kadilim man ang mundo nila, may karapatan silang masinagan ng liwanag. liwanag ng pang unawa natin. liwanag ng pagtanggap natin. liwanag na baka kahit paano, sa maliit na bagay makatulong tayo.

    ang moral lesson: ang rugby,pag ginamit sa sirang bagay, nakakabuti. at ang rugby, kapag ginamit sa sirang pagkatao, nakakasira lalo.

    ladies and gentlemen, ang madilim na sining-panulat ni essa. kanyang-kanya lang talaga.

    TumugonBurahin
  2. Isang matapang na lahok, Mam Essa.
    kakaibang angas, kisig, tindig pero ramdam ko ang lambot at emosyon.

    Madalas ayokong pagusapan ang kahirapan dahil sa aspetong maraming kakabit nito, andyan ang prostitusyon, oevrpopulation, squatting at iba pa, pero ito ang realidad kaya di maiiwasan. Saludo ako sa mga taong nagpupursige na hindi man makarating ang rurok na hinahangad ng mga maharlika ay nanatili pa rin silang nakatayo.

    mabuhay po kayo.

    be blessed po!

    TumugonBurahin
  3. salamat sa parating pag "be blessed" mo sir pong, at least kahit papano'y nararamdaman kong sinasabuyan ako ng wisik ng blessing :D

    sir pong, nakakaahon ang mga dukha sa kanya-kanya nilang paraan. karamiha'y hindi na nanaisin pang lisanin ang buhay na kinalakhan nila dahil galing sila sa lupa nito... kaya ayun, iba't ibang paraan lamang siguro ng pag-cope up..

    pero sobrang nalulungkot ako dito sa akdang ito... katulad ng dati, ng aking mga nakaraang bisyo, isa na naman ito sa mga sugat na bagamat pagaling na'y paulit-ulit ko pading kinukuskos...


    kaya ayan, duguan na naman :D


    salamat muli, sir pong!

    TumugonBurahin
  4. isa ang akda mo sa mga inaabangan ko essa at di ako ngakamali.. magaling nga ang lahok mo.

    isang madilim na mundo na nagpupumilit maintindihan para makita ang liwanag. :)

    TumugonBurahin
  5. speechless...

    (Di na kailangan ng maraming salita, sapul!)
    Di mo pa rin binibigo ang mambabasa mo, may hihigit pa ba sa salitang "napakaganda"?
    kung mayroon un ka bb. essa.

    TumugonBurahin
  6. Putang ina sabi dun sa nabasa kong blog "di porke nagmumura masamang tao."
    Oo kitang kita yan dito.


    Fiction? Maari. Riyalidad? Oo katotohanan lumilitaw. Bukas na bukas ang iyong mata at isipan sa ganitong kalakaran.

    Purtyugis kang bata ka galit na galit ka na naman! Hahaha
    Hindi ako nabigo sa paghihintay Essa. Salamat.

    TumugonBurahin
  7. WTF?!?!
    Isa sa mapangahas at malupit mong akda! Dahil sa ginawa mong ito, lalo akong humanga sa'yo. Isa 'to sa pagpapakita ng Kamalayang Malaya. Malaya mong naipahayag ang gusto mong sabihin. Saludo ako sa'yo Essa...
    :)

    TumugonBurahin
  8. ang lufet! mapapamura ka talaga ng paulet ulet! thumbs up sa entry na toh!

    TumugonBurahin
  9. Mikael Rabara GallegoHunyo 10, 2011 9:12 PM

    May angas ang damdamin ng persona. :)

    TumugonBurahin
  10. natutuwa ako't napadaan ka ani :D

    wala nang gagaling pa sa kwento ng tunay na buhay :D

    salamat aninipotbeybe :D

    TumugonBurahin
  11. lian, kotongan kaya kita. si jakul lang ang sasapul sa standards ng "napakaganda" kaya nga siya nagpapauso ng mga ganitong patimpalak eh :D

    pag dumadaan ka dito sa bahay ko parati kang speechless. bawal tahimik dito, dapat parating maingay :D

    TumugonBurahin
  12. alam mo na masasabi ko tuwing nagsasalita ka sir joey:

    pakyu :D


    salamat sa pagdaan :D

    TumugonBurahin
  13. pssstttt... anyabang mo, galing ng lahok mo ah :D

    TumugonBurahin
  14. salamat kuya mao.. pero mas gusto ko pa din ang punong aratelis at si anna :D

    hangaling!

    TumugonBurahin
  15. palomah the famous :D

    salamat sa pagdaan :D

    pasensya na sa mga hindi sanay sa ganitong klase ng pananalita, pero kung di ko to gagawi'y mawawala ang puso ng akda.. (PALAGAY KO)

    TumugonBurahin
  16. Mikael Rabara GallegoHunyo 10, 2011 10:53 PM

    weh! may ganun? hehe. kampay!

    TumugonBurahin
  17. Isang napakahusay na pagpapamalas ng reyalidad na pangyayari sa buhay ng isang kabataan sa kamaynilaan. Napakatapang na pagpapakita ng emosyon at tunay na nararamdaman sa lipunan,

    Mabango ang rugby. yun lang! :d

    TumugonBurahin
  18. ala eh adik din pala si sir MD :D

    basta sir, suportado naman natin ang isa't isa sa adhikaing ito

    TumugonBurahin
  19. Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.

    Ito po ay Kalahok Bilang 37

    37 KM2: HIYAW MULA SA COMMONWEALTH AVE.
    Essa Payoyo Quezon City

    TumugonBurahin
  20. Kasi naman ang ganda ng mga akda mo kahit na nasa madilim na bahagi ito. si lolo? naku classic un pati si kuya duking... sumunod k sa kanila... parang boracay rum na cappuccino may sipa pero walang hangover. kampai...

    TumugonBurahin
  21. ayuf anlupit mo satanas, galing galing! congrats essay :)

    TumugonBurahin
  22. hango sa totoong buhay,hindi pwedeng hindi ka madadala sa kwentong ito....

    iba talaga pag totoo..

    astig!

    goodluck po sa inyo!

    TumugonBurahin
  23. Gusto ko ang akdang ito. May MALAYANG KAMALAYAN :D

    TumugonBurahin
  24. astig!!! walang kibot at buong tapang na nagmura! ahaha! turnoff ako sa mga nagmumura pero dito iba ang dating sa akin, hindi bastos at hindi garapal! ayos!!

    TumugonBurahin
  25. kelangang may ganito? HAHAHAHAHA, jokeness, napaka-pormalan naman pala nito ni boss jakul
    :D

    TumugonBurahin
  26. hi mama era. salamatness :D magaling din ang sayo, di ko alam na kaya mong humatak ng ganoon kalalalim na tagalog :D

    TumugonBurahin
  27. salamat po sir jay sa pagdaan :D

    TumugonBurahin
  28. pasensya na sa language... :D turnoff ka pala saken nyan, pag nagkataon

    TumugonBurahin
  29. kuya jex,


    lahat ng lumahok ay may malayang kamalayan :D
    hahahaha, cheverlu nalang :D

    TumugonBurahin
  30. ang bigat ng kwento. sa ganitong pagkakataon ako napapatanong kung bakit di ginawang pantay-pantay lahat. hindi binigyan ng sapat upang makasabay sa buhay.

    TumugonBurahin
  31. di ako Diyos para masagot ang tanong na yan, Sir. Ngunit nais kong ipaalam sayo na ako'y matagal nang taga-hanga ng iyong mga akda. Salamat sa pagbisita idol :D

    TumugonBurahin
  32. sana dumating yung araw na maintindihan ko yun... hayyy... apektado talaga ko sa ganitong kwento. sasabihin ng iba laging nasa atin ang choice kung anong gagawin naten, pero mahirap mag-isip ng tama pag pwet mo na ang nakasalang sa apoy. nakikita naten ang sitwasyon nila pero tanging sila lang ang nakakaalam ng tunay na pakiramdam.

    nais ko din palan ipaalam, hindi ito ang first time ko dito. hehehe... salamat

    TumugonBurahin
  33. sa dami ng pwede mong mauto, alam mo lang talaga kung sino ang pinaka-uto uto. hahaha!

    may mga akda ang mga blogger na nakukulong ako. mostly, sa mga post mo, oo. nakukulong ako. yung tipong pag lipat ko ng ibang gagawin, napapa-isip pa rin ako. napapa buntong hininga, napapamura. yun siguro yung isang pormula ng mahusay na manunulat. yung tipong may nakawkaw na naka tining na kung anung damdamin sa dibdib ng mambabasa. pero katulad pa rin nung sinabi ko dati, nag-aabang ako ng mga bagay na galing sa'yo na hindi madilim, hindi nakakapaso at hindi nakaka kurot ng sensitibo kong pandama. whahaha! OK, wala akong sensitibong pandama. Joke lang yun.

    May ginto sa putikan, essa. Hindi yun inaasahan ng marami sa atin kaya walang naghahanap noon doon. pero meron. Si jorge yun. Ikaw yun. Tayo yun. Mukha lang maruming tignan. Ang kailangan lang kasi, yung kamay ng mismong handang magpunas at pumagpag ng dumi mula rito.

    :D

    TumugonBurahin
  34. Kagaya ng nauna mong mga akda, hindi mo na naman ako pinatayo hanggang hindi ko nababasa nang buo ang kasaysayang-buhay na inilalahad ng iyong akda. Mabuhay ka!

    TumugonBurahin
  35. salamat kahit di ko alam para saan ang congrats :D


    salamat sa pagdaan katkat :D

    TumugonBurahin
  36. at kagaya ng mga una kong akda, patuloy ka pa ding nagbasa :D


    maraming salamat!

    TumugonBurahin
  37. hello sa may-akda! :)

    gusto ko 'yong hubad at matapang na katangian ng iyong pagkukwento. hindi nangangaral kundi simpleng naglalarawan ng eksena at nagtatala sa lenggwaheng walang pagkukunwari.

    medyo pamilyar ako sa commonwealth ave. noong nasa kolehiyo, dalawang beses kaming nag-proyekto ng tungkol sa payatas area. tungkol sa lupang pangako ang isa at ang isa pa ay tungkol naman sa blueprint for development ng QC na sasaklawin nang husto ang payatas area. yon...

    dahil naman sa work, maraming taon kong nadaraanan 'yang commonwealth area. gusto kong isiping may kapiranggot akong ideya noong isang slice ng commonwealth na ipininta mo om full color sa iyong post. simple, maramdamin at ang husay! :)

    makikibalik ako rito para magbasa. maski di na ako mag-comment next time, hehe... regards!

    TumugonBurahin
  38. Ayokong magmura. Hindi naman ako palamura. Pero, putang-ina lang talaga! Hayop!

    Mapangahas. Diretsahan. Sapul. Naalala ko lang yung research paper na ginawa ko nung kolehiyo tungkol sa mga batang lansangan. Kaya wala na akong ibang masasabi pa tungkol sa post mo kahit na may gusto pa sana akong sabihin.

    Shit. Gusto na kita. I mean, gusto kong balik-balikan tong lungga mo. Nakaka-inlab ang panulat mo.

    TumugonBurahin
  39. malamig po pag nakahubad :D pero kung ito ang paraan upang hindi na magkunwari ang mga tao na may mga nangyayaring ganito sa totoong buhay, o sige, ok lang na manigas sa lamig :D


    salamat po sa pagbabasa

    TumugonBurahin
  40. Nakakainlab ang katotohanan :D


    salamat sa pagdaan ah :D

    TumugonBurahin
  41. Ayaw ko nang magsabi ng malapalabok at pancit malabon na komento.

    Ipinunas mo ang reyalidad sa iyong akda. Palagay ko doon ka kumuha ng kapangyarihan para mas marami tayong maabot na mambabasa.

    Minsan ang reyalidad nais nating dayain at takasan, pero hangga't may pandama at paningin tayo, hindi ito mapupugnaw, umangat man ang nagyeyelong damdamin ng Pilipino.

    :)

    TumugonBurahin
  42. Sa lahat yata ng sumali sa KM2 ni Kulisap itong entry ni Essa ang pinakamatapang. Nangangagat!!!!

    Kumusta Essa.

    TumugonBurahin
  43. Ngunit ang reyalidad, di dapat isinasantabi at tinatago sa gilid, diba Boss? :D

    hahahaha. walangyang KM2 yan oo.

    TumugonBurahin
  44. Kung paano po naging matapang para sa inyo Sir ay di ko alam. Gayunpama'y maraming salamat sa pagdaan :D

    Maayos naman po ako. Umuulan ma'y may masisilungan manlang. :D

    TumugonBurahin
  45. ngayon ko lang nabasa 'to.. shet, ang tagal q nawala.

    TumugonBurahin
  46. ms. essa, depende siguro sa paghuhubad. may paghuhubad na pornographic at masamang tingnan. pero may paghuhubad na para ipakita ang mga peklat at may paghuhubad ring para ipakita ang sining.

    itong paghuhubad mo rito, mapagpahayag naman at masining bukod sa nagpapakita ng katotohanang sa araw-araw ay nadadaanan pero madalas ay hindi pinapansin ng marami. curious akong makita ang painting o artwork mo. very expressive siguro. :)

    btw, bihis ka na pala. tag-ulan na, baka ika'y lamigin, hihi... regards! :)

    TumugonBurahin
  47. ganda ng pagiging raw nung kwento. ang sarap kasi naaamoy mo yung lugar sa mga salita. pag ganun na, tapos ang usapan, baw!

    TumugonBurahin
  48. ang bigat ng sulat na 'to... hayyy.

    TumugonBurahin
  49. Ui! Salamat sa pagdaan Tado! Ganyan kabigat ang mga huhugutin kapag sasali ng KM. Kaya masakit sa bangs eh, mapapamura ka talaga. lels

    TumugonBurahin
  50. Nagiikot lamang po.
    Ibang-iba talaga. Napakahusay talaga ng mga akda mo ma'am.

    Kung mamarapatin, itutuloy ko lang po ang pag-iikot.

    TumugonBurahin