
Kung sakaling ang mga alaala
Ay unti-unting dadausdos
Na tila ulan,
Na manaka-naka'y babaha
Sa taong ako,
Ako kaya'y ililigtas mo?
Hihilain mo ba ako mula
Sa putik ng iyong mga
Anino
Na walang humpay na
Mananatiling pumipintig,
Buhay,
Sa mga gabi ko?
Anupama't ika'y magsisilbing
Balirala at tula
Ng tangang akong minsan
Ay umibig sa'yo:
Baliralang mula pang sinauna,
Tulang di ko alam ang tema.
Kung sakaling ang mga alaala
Ay unti-unting dadausdos na tila ulan
Na babaha sa taong ako,
Makakaligtaan ko pa bang
Nakalimutan mong ibigin ako?
salamat sa pagsali essa?! lubhang malalim ang iyong tula pag-ibig tila nilimot at ikinaila...
TumugonBurahinpara ngang ulan..pilitin mo mang idain ang dala nyang kulimlim..maya-maya pa'y bubunok pa din...
ay nga pala nakaligtaan nyo po ang rule no. 8...palink nalang po..salamat..
TumugonBurahinYehey! ayus to ate essa! (^______^) dausdos ng luha.
TumugonBurahinhuwaw ang galing ng tulang ito
TumugonBurahinmalalim,nakaklunod,pero punong puno ng laman
Goodluck essa!
add po kita sa blogroll ko ha?:)
Pang Liwawyway.
TumugonBurahinKainaman :)
gusto ko ang tula. Pero mas gusto ko ang larawan na nasa ibaba. ahahaha alam na
TumugonBurahinkainaman. kala ko may required na words din dahil sa mga naka bold na salita. lol. piz naman essa.
TumugonBurahinmahusay.
Adik ka deadlocks, buti nalang bday mo. MANYAK! hahahaha
TumugonBurahinang ganda nman ng entry na e2 simple pero malalim at malaman
TumugonBurahinkahusay mo talaga sa mga ganitong bagay. parang laging may pinaghuhugutan. :D
TumugonBurahinpana-panahon ang lahat
TumugonBurahinang pagbaha at paghupa
sugat at pag hilom
pagta-tatak at pagbubura
na likha ng mga patak
ng ulan, ng luha...
huwag,essa
huwag mong danasin
ang makulong sa rehas
na iginuguhit papalibot
na likha ng mga patak
ng tinta, ng diwa...
bagkus lumaya ka
sa ala-ala, sa kahapon
at baunin ang aral
na natutunan mo ngayon
na likha ng mga patak
ng iniluha mo noon...
'makakaligtaan mo pa ba
ang pagkalimot niyang ibigin ka?'
pana-panahon ang lahat
anyo may nagbabago
'iibigin mo ba ang pagkalimot
kung makakaligtaan mo siya?'
hindi ko sigurado kung ano ang eksaktong damdamin ang nakapaloob sa tula habang sinusulat mo ito. maliban sa ulan na nagpapabaha rin sa akin ng napakaraming ala-ala, gusto kong isipin na kaya nitong hugasan ang lahat-lahat. maging ang mga ala-alang nais nating burahin sa ating mga buhay.
magandang araw, essa!
Kaya mahal kita sir Duks eh :) Ka-seryoso naman nating dalawa, pwede na tayong magpadala ng sulat kay Mam Charo :)
TumugonBurahinSalamat. Salamat dahil sa maraming bagay at maraming pagkakataon, inintindi mo :)
Mukhang ako na lang ang walang lahok kay mam iya
TumugonBurahinsana mabuo ko yung akin
Malamang di niya makakalimutan mam essa!
be blessed!
KASALI KA RIN PALA!? deym! ANG DAMI KO NANG KALABAN!
TumugonBurahin'Ng tangang akong minsan
TumugonBurahinAy umibig sa’yo:'
aray naman, kailangan gano'n? pero, sabagay nga, minsan, di lang minsan ang pagkatanga.minsan, paulit-ulit...
sige na, buhos na ang ulan! kumbaga, kahit kalsada man lang mahugasan...hikbi ^_^