Siguro’y maraming magsasabing kapag ang isa sa ati’y hindi na nakapagsulat ng isang akda ay nakalimot na, o naging abala sa kanyang buhay, o may iba nang prayoridad. Sa karamiha’y hindi naman iyon pa mapagkakaila.
Lahat tayo’y may buhay sa labas ng blogosperyo.
Ilang beses ko ding nababasa sa ilang mga akda nitong mga nakaraang buwan ang ideyang hindi dapat nawawalan ng puwang ang pagsusulat sa iyong buhay, na dapat, hindi mo ito pinapabayaang namamatay o hindi mo dapat hinahayaang maubos ang mga ideya.
Kaya dapat ay sumulat nang sumulat nang sumulat.
Kapatid, sa mundong ito, sadyang may mga bagay na mas mahalaga kaysa umupo sa harap ng isang kompyuter upang makapagtipa ng isang akda. Ito ding mga bagay na ito ang buburyo at tatatak sa utak mo na kahit gaano mo piliti’y hindi magiging sapat ang mga salita upang ilarawan at gawing buhay sa isang panulat.
Ang pagsusulat ay hindi basta-basta para sa akin. Noon, oo, na kahit anong maisip ay agad na ititipa at ipapaskil. Pero ngayo’y hindi na siguro. Ang mga salita ay nagtila luho na. Ang mga istorya ay nanatiling iginagapos ang aking mga daliri. Parang presong kulong sa kanyang sariling kadiliman at ang mga salita ay nasa baywang ng pulis sa labas ng kosa. Salitang mga susi upang makalaya.
Naging bakante ang parehas kong lungga sa napakatagal na panahon. At kung siguro’y nabasa mo o nabalikan mo ang aking huling mga panulat ay maiinitindihan mo kapag sinabi ko sayong sa bawat akda, ako’y naiiiwang nauupos, nanghihina, halos namamatay. Na malaking pagbubuwis para sa akin ang hugutin palabas ang mga istorya, ang mga imahe, ang mga pakiramdam, at pilit na ilagay ito sa mga salita.
Hindi ko pinanghihinayangang gawin ang sabi ko nga’y buwis-buhay na pagsusulat. Di rin naman ako mahusay upang maipagmalaking pang-patimpalak na ang aking mga nagawa. Hindi ako umaabot sa lebel na yon. Ngunit para sa katiting kong puso at ga-munggong isipan, ang paglalarawan ng katotohanan na hawak ko sa aking mga palad ay napakalaking bagay. Katotohanang dapat ibahagi, at ilatag sa inyong mga mata at isipan upang kahit papaano’y madala ko rin kayo sa katotohanang iyon.
Hindi ko alam kung nagagawa ko nga, ngunit patuloy akong nawawala at sumusulpot muli kapag naghilom na ang sugat ng huling nagawang akda.
Sabi ko nga’y masarap kuskusin ang mga sugat ng iyong pagkatao at ng iyong isipan, dahil sa mga ito’y may mahahanap kang dugo na magpapatunay na ikaw ay buhay.
Bihira akong makapagsulat ng mga akda. Ngunit siguro’y maipapangako kong ang ilalahad ko ay magiging bunga ng panahong nawala ako. At lahat iyo’y aagos patungo sa’yo sa mga salitang akin mang hiniram ay sinubukang gawing totoo para sa’yo.
Nakakaranas ka din ba ng ganito? Ano ang mga istorya o akdang nahihirapan kang isulat?
Nakatitig kong kinakabisado ang mga duming nakasiksik sa gilid ng aking mga kuko sa paa, sa puting linyang-tsinelas na dulot ng pagkasunog ng aking balat.
Napakahabang lakaran. Masukal na daanan.
Butil-butil ng lupa at alikabok na iniikot ng hangin sa aking mga binti at talampakan.
Gumuguhit ako ng mga bilog gamit ang aking maduming tsinelas sa asul na karpet. Gumawi ang aking tingin sa pares ng paa sa aking harapan.
Havianas. Hot red nail polish. Bagong foot spa.
(SA ILALIM NG ARAW. Basahin ang kabuuan ng akda dito)
haleluia, nagbalik ka essa payoyo! :)
TumugonBurahinJUMP BRADER JUMP :)))
TumugonBurahinparang anino nga lang ng writer's block ang akdang ito pero kasingtindi nga naman ng sikat ng araw ang bulyaw ng mga nakalaman dito para ipaalalang "kailangang sumulat nang sumulat nang sumulat"..
TumugonBurahinteka, asan ka na nga ba, musa ko?
Parang daga lang yan, Ser. Yung dagang bukid. Hindi ba't kailangan mong isuot ang iyong kamao sa gitna ng mga tipak ng lupa at bato upang makuha ang daga? Kadalasa'y puro kadiliman lamang ang mahahawi mo at wala kang mahihiwang daga palabas bilang patunay ng kadilimang iyon. Kaya mahal ang dagang bukid eh :)
TumugonBurahinAt salamat po pala sa pagdaan at pagdayo mula sa Tumblr :) Palakpakan!
TumugonBurahinMadz, wag ka na pala magtampo ah :) LABYU!
TumugonBurahinat natumpak mo.. tumblr at blogspot nga pala.. hehe
TumugonBurahinMay blogspot Sir? San banda? Pasilip naman!
TumugonBurahinha? hmmm dito:
TumugonBurahinhttp://tksalaulasatinta.blogspot.com/
klik mo na lang yung pangalan ko dito.. hehehe
TumugonBurahinDahil sa 1milyon signature campaign mo kung bakit bumalik ako.
TumugonBurahinPara akong isinumpa na dapat babalik ako at mananatili sa mundo ng mga titik na makapangyarihan. Walang kontrata, walang petsa kung kailan muling lalabas ng mundong ito.
Pero tama ka, may buhay sa labas ng blogesperyo..mas matingkad ang kulay ng dugo kahit magkasing amoy man ang kalangsahan.
Kahit sa madalang na patak ng ulan...pwede ring dumilig sa mga nauuhaw..gaya nito...ngayon.
:)
sang-ayon ako sa tinuran ni pareng jkul.. hayaang matigang ang lupa minsan, para mas mauhaw ito sa ulan, hanggang magpang-abot ang mga damo at ang kaulapan sa sobrang kasabikan.. kaya lang, minsan, ano rin eh.. hehehe
TumugonBurahinBoss, magagalit ka siguro sakin kapag sinabi kong parang namatay ang mga salita nang nawala ang jkulisap.com. Pero ilan sa amin ay naguusap-usap na dapat ituloy ang buhay sa blogosperyo. Katuload nito. Katulad ngayon... :)
TumugonBurahinGood to be back!
Oo nga, minsan ano rin eh.... Hahahahaha!
TumugonBurahinkaya lang minsan ano rin eh...dapat may covered court. :)
TumugonBurahinhi pareng JH.
May magandang naidudulot ang pagkawala.
TumugonBurahinPinipilit..at mamahalin ang napili ko nang parte dito sa blogesperyo.
yeah..good to be back :)
Ang mga salita ay tagus tagusan..
TumugonBurahinmaligayang pagbabalik bb. shamcey :p
Sa iyong pagbabalik ako naman ay pansamantalang mananahimik.
na hack ang site ko. wahahhaha
sana maayos na.
welcome back ESSA! :D
bakit welcome back kayo ng welcome back eh hindi naman ako lumisan? nanahimik lamang, kaso may pumitik eh. welcome back, hmpf... keber! :)))
TumugonBurahinnawala ka din pala... kamakailan lamang din ako nagbalik... nakatengga ang pahina ko...
TumugonBurahinsana na simula na ulit ng pagsusulat..
maligayang pagbabalik...
:)
Banjo! Ano nangyari sayooo? Lels. Sali tayo KM2, banjo. Lets gow sagow :)))
TumugonBurahinWelcome back sa'tin kapatid. :)
TumugonBurahinHahahaha, ba't kapag panahon ng KM eh naglalabasan tayong lahat ?
TumugonBurahinWB din! :)
"ang mga salita ay nasa baywang ng pulis sa labas ng kosa. Salitang mga susi upang makalaya." ang banges mamen! parang gusto ko umislum habang nagbabasa. May bigat ang bawat salita at may punto ang bawat linyang binibitawan mo kambalelong! Tinde! hahaha! Yan nadadala tuloy ako... baka masuntok ko si Karl nito.. chos! Idaan na yan sa matinding usapan, karamay mo kami basta't sagot mo ang inuman. lol.
TumugonBurahinP.S: amisyu teh :)
Hallelujah, dumalaw ka! Salamat. Tsaka pakisuntok jowa mo ---- wala lang. Alam mo namang natural na brutalan tayo. Hahahaha. Kupalan lang. Naalala ko nung nag-lunch sa inyo, tas nagliliparan ang mura at asaran sa ibabaw ng mesa. Hahahaha! Good times *buntong-hininga*
Burahin