Huwebes, Hunyo 7, 2012

KM3: Maniwala ka



Tinig. Tinig ang magsisimula ng isang dagitab, dagitab na magpapasilakbo sa mga damdamin at lilikha ng apoy sa puso ng ilang. Apoy na susunog sa balat, sa ulirat, at lalamon sa diwa. Apoy na minsan nang kumain sa utak at bumuhay sa rebolusyon noon pang araw, na nagpaagos ng dugo at nakipaglaban para sa tinawag nitong kalayaan. Apoy na pagsisimulan ng pagbabago...


Pagbabagong hindi makakamit ng tinig lamang.


Tinig na walang ibang gagawin kundi maglahad, sumigaw, magsulat, at magpahayag. At sa isang lipunang nilamon na ng pulitika, pera, kapangyarihan at komersyalismo, ang tinig ay mananatiling tinig.


Nailahad.


Naikwento.


Nasabi.


Ngunit parang isang sigaw, ito ay babalik sa’yo bilang isang alingawngaw.


Alingawngaw ng sigaw, ng tinig, ng nailahad.


Babalik sa’yo na hindi man lamang nagbago: isang tunog pa din, katulad noong ito ay naibulalas mo.


Ang tinig ay hindi dapat manatiling tinig lamang. Mula dito’y dapat magbunga ang isang rebolusyon, hindi tulad noong araw nang sa dugo, kundi ng aksyon.


At ang pulutong ng tao ay dapat magtila isa, na kapag narinig ang tinig ay dadaluyan ng dugo upang magkusa. Magkusang gumawa, umaksyon, gumalaw, ayon sa nararapat.


Urong, Pilipinas. Umurong ka’t umayos, umiwas sa dating gawi. Natunaw na ang mga reklamo sa tainga ng mga dapat ay nakikinig dito. Umurong ka’t makita na hindi lamang sapat ang umasa sa kanila, na nariyan ka, sa iyong sarili, upang magkusa, upang gumawa, upang gisingin ang lahi na nagtayo ng sarili mula pa noong una.


Sulong, Pilipinas. Pagkatapos umurong ay humakbang ka pasulong. Pasulong at hindi paatras, hindi pabalik sa lumang ikaw. Gisingin ang iyong dugo sa pamamagitan ng apoy ng tinig, at isa-isang gisingin ang iba mula sa pagkakahimbing --- pagkakahimbing sa paggawa. Sumulong ka’t akitin ang iba upang gumalaw, makisayaw, sumali sa saliw ng awit na likha ng apoy ng pagnanasang maging mas maayos na bansa.


Lumakad ka ng tuluyan, Pilipinas. Tapos na ang pagtayo at pagsigaw. Humayo ka’t pairalin sa sarili ang ninais mong mangyari. Hindi mo kailangan ng bayani, dahil ang bayani ay ikaw.








Oo, ikaw, sa iyong sarili, ang bayani.



23 komento:

  1. lekat! mahusay nmn ang gawa.. bakit hindi lumahok!... :D

    TumugonBurahin
  2. Hindi-nagpakilalaHunyo 07, 2012 1:47 PM

    muli akong nagbalik sa iyong bahay bb. essa at katulad ng dati walang kupas ang iyong mga likha...

    humahanga ako.

    lian

    TumugonBurahin
  3. Shy! Eh kasi... eh kasi ano.... Hahahahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. bakit? bakit? bakit?..... katulad ng nasabi ko kahapon.. nauutal ako sa lungkot... sa hindi mo paglahok... (buntong hininga...) haitz...

      Burahin
  4. Maraming salamat, Lian, dahil nararamdaman kong kahit "XD" lamang o kahit anong smiley ang ipaskil, oks na sayo :) Namiss ko ang makita ang pangalan mo much! ;")

    TumugonBurahin
  5. nakakaasar 'to hindi agad nagpasa..

    nuff said, alam mo na yun xD

    TumugonBurahin
  6. Mas nakakaasar ka Madz, mali yung oras mo. Dapat talaga may time synchronizer! hahaha! DAGITAB. TAB. TAB..

    TumugonBurahin
  7. Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  8. hala ka, na-remove content ko! pano to? tambay, wit lang!

    TumugonBurahin
  9. anlupet mo talaga essa!

    mabagsik. Nagalab ang pagkapilipino ko dito.

    sayang at hindi mo nilahok :(

    TumugonBurahin
  10. supporter kami, mj. back-up dancer ba, hahaha

    TumugonBurahin
  11. ay essa.. kumusta?

    ang galing naman.

    kelan kaya susulong ang pilipinas?

    kung hindi man makabalik, lumingon man lang sana at tanawin ang pinagmulan.

    magandang araw po

    TumugonBurahin
  12. Ayan okay na. :)
    Maraming salamat sa pagdaan, Istambay :)
    Di man nakahabol ay malugod akong nagpapasalamat sa mga napapadaan tulad mo :)

    TumugonBurahin
  13. Mga Tugon
    1. Salamat sa pagdaan Sir Arvin. Wala nang gaganda pa kundi ang ang pagka-Pilipino na umaagos sa loob ng bawat isa, u know ;)

      Burahin
  14. Napakasarap pagmasdan sa dapithapon ng buhay kung talagang humakbang ang ating bansa.

    'Yon ang maglalagom sa kung ano ang ginawa ng kaniyang mga anak upang matupad ito. 'Yong paglingon sa nakaraan na may ngiti, hindi 'yaong nakabuyukyok dahil sa pasakit ng nakaraan at tuluyang lamunin ng tinig na mapanglaw.

    Maraming salamat sa iyong suportang akda. Masarap kahit na late mong naluto ito.

    :)

    TumugonBurahin
  15. Ngayon ko lang nabasa to. Dapat may pakontes din sa mga hindi umabot sa oras. Ito yung "Kamalayang Malaya 3: Tinig Natatanging Akda 2" Number 1 yung kay Sphere eh hahaha.

    Seryoso Payoyo, ganito yung alab mo noong una akong nagawi sa tahanan mong ito na nasa wordpress pa dati.. Gusto kitang makadaupang palad sa ika apat pagkakataon. Magdadala ako ng panyo at ipupunas sayo. :D Apir! Kahusay mo talaga eh!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Totoo, the best yung kay Sphere, seryoso. Iba yung aliw ko doon, hahahaha.

      Tas sumakit tyan ko sa pagbati mo, nako naman, ikaw nga eh, lumi-LIRA na :))))

      Burahin
  16. Ngayon ko lamang nabasa ito. Maganda. Dapat naman talagang ang bayan ay matuto. Hindi lang sumigaw. Matuto siyang kumilos. Kung anumang pagkilos, ang taumbayan, at hindi ang mga bagay, ang magpapasya. Magandang umaga!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sir, maraming salamat sa pagdaan :) As always, be my guest :)

      Burahin
  17. Ang lalim naman nito. Hindi ako sanay magbasa ng malalalim na akda. Pakiramdam ko kasi e nabobobo ako.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Aydol, lahat ng nagsusulat ng malalim na akda eh may pinagdadaanan. Meaning, mas maluwag at masaya ang buhay mo diba? Hahahaha

      Burahin