Lunes, Hulyo 8, 2013

Ulan at Sexy Time




Isang malaking tasa ng kape ang aking hawak habang nakikinig sa musika na dala ng mga patak ng ulan.


Putangina. Naaalala na naman kita.


At ang pagtapak ng iyong imahe sa aking utak ay nag-udyok sa akin upang tumayo at magpatugtog, na sa lakas ay naramdaman kong sumasabay ang pulso ko sa kimbot ng awitin ni Eli Mardock.

Hindi mo kailanman nagustuhan ang playlist na 'to.

Napangiti ako.

'Di rin, dahil may oras na alam kong naibigan mo ang himig ng Cut Me Open.




Naninigarilyo tayo noon. Hinuhukay mo ang playlist ng music player ko.

"Eli Mardock?"

"Try mong pakinggan yung Cut Me Open. Nagsimula akong maadik sa mga kanta niya noong narinig ko iyan," sabi ko.

Unang nota pa lamang ay tinigil mo na agad. Natawa ako sa iyo noon dahil alam kong sa dami ng pagkakapareho ng hilig natin sa musika, ganoon din karami ang di natin pagkakasundo sa ibang pinakikinggan.

"Saan mo na-discover yon?"

"Eh."

"Game. Try me," hamon mo.

"Soundtrack yung Cut Me Open sa isang porn video na napanood ko," natatawa kong sagot noon.

Tinignan mo ako ng matagal. Dumako ang iyong paningin sa aking mga labi, sa mga daliri kong nakakapit sa sigarilyo, at sa aking mga matang nakikipaglaro sa iyo.

Sumandal ka. Tumitig ka sa akin. Ilang minuto tayong binalot ng katahimikan habang ang aking mga mata'y unti-unti nang tinatanggal ang saplot ng iyong katawang kabisado ko na.

Kabisadong-kabisado.

Tumayo ka noon, dinampot ang mga tasa nating wala nang laman, kinuha mo ang kakarampot na istik ng sigarilyo na sisimutin ko pa sana at itinapon ito palabas ng bintana.

Naaaliw lamang akong nakatingin sa'yo.

Hinawakan mo ang aking kanang kamay at hinila ako patayo.

Tatawa na ako ng malakas noon. Tandang-tanda ko ang pagkaaliw ko sa ikinikilos mo.

Kahit sa lakas ng ulan na kasabay ng pag-alala ko ngayon, naririnig ko pa din ang sambit mo sa akin noon. Ang nag-iisa mong sinabi sa akin ay dinala ng ilang patungo sa kasalukuyan ko:

"Kwarto."

Sa kwarto mo, doon nga tayo nagtungo.

Hindi mo pa nasasara ang pinto'y hinila mo na ako at isinandal sa pader. Nilapat mo ang iyong sarili sa akin habang ang iyong daliri ay tumalunton sa hugis ng aking mukha, sa aking leeg, sa aking balikat.

Nilamon akong buhay ng iyong mga mata. Nilamon akong buhay ng apoy na dala ng nawalang espasyo sa gitna nating dalawa. Nilamon akong buhay ng iyong mga daliri.

Nilamon akong buhay ng aking pulso noon, na bago mo pa man lapatan ng iyong labi'y tumatakbo na ng milya milya't inuubos ang aking hininga.

Hindi ko inalis ang aking tingin sa iyong mga mata nang hugutin ko ang aking player at tuluyang patugtugin ang kantang inihinto mo.

"Maganda nga sabi 'to," bulong ko sa'yo, sabay hila sa iyo patungo sa iyong kama.

At noon, pinuno tayo ng himig na dumaloy sa ating mga katawan at pumuno sa aking isipan.


Na sa tiyempo ng tugtuging naka-repeat, inangkin kita sa paraang alam ko. Hindi magkamayaw ang iyong mga daliri sa pagkapit sa akin. Inangkin ko ang iyong hininga, ang iyong bawat ungol. Akin ang iyong bawat pamimilipit.

Inangkin kita. Akin ka.







Napuno ako ng kakaibang pagka-payapa matapos ang awitin. Kakaibang payapa na dala ng ating mga alaala, ng walang paga-atubili kong pagbibigay ng kahulugan sa sinabi mo noong huli na ako ang iyong "object of lust".

Sadyang may mga init na dala ng ulan. Sadyang may lamig na dala ang pag-alala.








4 (na) komento:

  1. Taragis, akala o nasa pantasya.com ako hahaha biro lang! 100 shades of love, lust and memories na may soundtrack na Cut me open mamen

    TumugonBurahin
  2. tag ulan na naman, ang init lang no? nawala yung panlalamig ko dito sa office nang binasa ko to, haha, tulad parin ng iba mong post. mahalay, joke, :D
    may sinabi si senyor sakin, :D

    TumugonBurahin
  3. Ang ganda i mean yung wording nito di sya ganun kahalay tipong sa utak mo dumadaloy ang eksena pero di sa mga binabangit na salita.. magaan pero me bigat.

    TumugonBurahin
  4. Kaya pala hindi ko agad nabasa 'yung mga post mo, mali 'yung site na nasa blog roll ko, buti nabisita ko yung blog ni Sir Joey nakita ko 'yung link mo.

    Tag-ulan-mainit, tag-init-mainit, lahat ng panahon-mainit. Naalala ko dati 'yung kapanahunan ng Xerex sa post na ito.
    Dahil diyan pakikinggan ko na agad 'yung Cut me open.

    TumugonBurahin