Huwebes, Hulyo 4, 2013
Basura Tayo
"Ano nga yung inorder natin noon?"
"Di ko na maalala," naiinis mong sagot. Pilit kong kinubli ang aking ngiti. Pilit lang din naman ang pagsama mo sa akin -- pilit lang ang pag-oo mo sa pamimilit kong bisitahin nating muli ang restaurant kung saan tayo unang nag-date.
Hindi mo kasi maintindihan yung pangangailangan kong tapusin natin ito kung saan tayo nagsimula. Hindi mo din kasi maintindihan yung pangangailangan kong tapusin natin 'to -- no loose ends, no arguments, no getting-back-together-again peg.
"Napaka-madrama mo talaga."
"Anim na taon din yun, pre. Six fuckin years with you," nakangiti kong sabi. Hindi mo ako tinitignan ng diretso, kaya't ang aking paninigin na lamang ang walang hiyang nilamon ang bawat detalye ng nasa harapan ko: ikaw na nakatalumbaba, nakatingin sa malayo, suot ang tshirt na bigay ko. Hinahayaan ko na lamang na tahimik na lumilipad ang utak mo, kahit dito sa huling pagkakataon na magkasama tayo. Kuntento na akong kabisaduhin ang hugis ng iyong mukha, ang taas ng iyong ilong, ang paminsan-minsang pagdako ng iyong tingin sa akin at ang pag-iling ko sa bawat pagtaas ng kilay mo dahil sa aking taimtimang pagtitig sa'yo.
"Ano na naman yan?" Napatanong ka. Kabisado mo kasi ako. Alam mong kung anu-ano na naman ang naiisip ko tuwing nakatitig ako sa'yo.
"Wala. Naisip ko lang na kelangan mong magpakulay ulit ng buhok. Parehas kasi tayo diba. Papalitan mo yan," ani ko.
"Next time na. Pakulay tayo ulit ng parehas."
"Wala nang next time," bulong ko.
"Tangina. Ilang beses ba natin kelangang pag-usapan na kahit anong gawin nating dalawa, babalik at babalik pa din tayo sa isa't isa? Di mo ba maintindihan yun? Kahit lumayo ka, kahit may iba ako, ikaw pa din yung orig eh, sa'yo at sa'yo pa din ako babalik. Tangina naman. Ang tagal tagal na natin eh, di mo pa din ba alam iyon? Di kita matitiis. Di mo din ako matitiis. Di naman nagbabago yun eh. Ikaw kasi. Ikaw naman kasi talaga. Sa'yo pa din naman landing ko."
Kung sa ibang pagkakataon mo sinabi yung birada mo'y baka kinilig pa ako. Napatingin na lamang ako sa malayo. Ganoon ba ako kahina pagdating sa'yo?
Hindi na. Hindi na siguro. Hindi na ngayon.
"Order na nga lang tayo. Yung Manager's Choice yung trip ko. Pagkatapos nito, uwi na tayo. Magalit pa girlfriend mo."
Padabog kang sumandal sa upuan mo, tinikom ang bibig. Nakikita kong nagsisimula nang sumindi ang galit sa iyong mga mata.
"Tas burahin mo na number ko. I-block mo 'ko sa FB. Wag mo na ako itetext unless may sobrang kailangan ka. Pag nabo-bore ka, itext mo jowa mo, wag ako. Papatungan mo yung tattoo ng pangalan ko. Sunugin mo yung mga punyetang love letters na binigay ko sa'yo. Isama mo na din siguro yung mga damit kong naiwan pa dun sa kwarto mo. Sabihin mo sa pamilya mo na di na ako magpapakita doon. Ipakilala mo na yung jowa mo. Di ka na maha-hassle na pag may problema ako, sa'yo ako pupunta kasi maghahanap na ako ng ibang makakausap. Ayoko na. Tapusin na natin 'to," tuloy tuloy kong sabi, sabay taas ng kamay upang sumenyas sa waiter na oorder na tayo ng pagkain.
Higit anim na taon na ang nakakaraan, nakaupo tayo sa parehong mesa. Nagkakahiyaan. Nagkakangitian. Mukha tayong basura dahil nabasa tayo ng ulan.
Ngayon, nakaupo tayo sa parehong mesa. Mabigat ang loob sa isa't isa. Malungkot at masama ang palitan ng tinginan. Maaayos ang ating itsura ngunit di nila nakikitang sa loob, kung anumang mayroon tayo ang totoong naging basura.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Sarap lang ng daloy ng istorya. Idol pa rin kita sa pagsusulat. Ayoko lang intindihin muna (pinipilit kong wag intindihin pero nadadamay pa rin ako sa nararamdaman ng isinusulat dito) kasi natatawa ako kapag naapektuhan ang damdamin ko. hahahaha gusto kitang ihagis pataas tapos maglagay ako ng pako sa baba para doon ka babagsak tapos tatanungin kita, "O ngayon alin ang mas masakit? Ang mawalan ng jowa pero nakikita mo pa rin s'ya pero mayroon na ngang iba o yung ihagis ka sa taas at ang babagsakan mo ay pako?"
TumugonBurahinPero hindi, kailan ko pa ring intindihin ang emosyon ng nakasulat dito dahil tiyak akong hindi ito mabubuo kung wala ang sangkap na iyon.
Apir Payoyo!
At dahil dyan, siguraduhin mong magpapainom ka pag dumayo ako sa inyo, Deadlocks. Siguraduhin mo lang, nako!
Burahinok lang naman maging basura, siguraduhin mo lang na makapal na plastic ka, para pweding e recycle sa iba. :D
TumugonBurahinMasarap din magmukhang basura minsan. Tingin tingin din sa salamin pag may time. Hahahaha!
Burahin#basaganmode
Na feel ko yung bigat ng damdamin ng character mo.
TumugonBurahinang galing mong magsulat.
Maraming salamat po, Ma'am. Lahat naman po yata tayo ay may "bigat" sa kanya-kanyang personalidad. Palakasan na lamang siguro ng loob kung kaya bang ipakita sa mundo yung vulnerabilities ng isa.
BurahinAlam ko late na ang komentong ito pero hindi ko mapigil na magkomento.
TumugonBurahinAng ganda ng daloy nito, ang husay mo gumawa ng mga ganitong tema!
Meron pa bang ibang babaeng sumusulat ng ganito? Ewan ko, siguro pero alam ko ang husay nito.
Alam ko late na ang komentong ito, pero hindi ko mapigilang magkomento.
TumugonBurahinAng ganda ng daloy ng istorya, astig!
Ang husay mong gumawa ng ganitong tema - mapapapaisip ka at iimaginin mo talaga 'yung karakter kung ano 'yung bawat kilos nila.
Hindi ko alam kung meron pang ibang babaeng sumusulat ng ganito kung meron man - iba ang hagod nito.