At ang pangangapa ko'y nauwi sa akdang ito.
------------------------------------------------------------------------------------------
Ayokong nakikita yung pangalan niyang nakakalat sa daan, sa bangketa, sa kalsada, at sa lahat ng taong nakakasalubong ko.
Nakikita ko ito sa mga maraming ID,
sa gilid ng bus,
sa isang palangganang bulaklak na ibinebenta sa tabi,
sa disenyo ng mga gusali,
sa tattoo ng babaeng nakasabay ko sa dyip,
sa tshirt.
At sa bawat pagdaan nito sa aking paningi'y kasabay ang pagsampal sa akin ng katotohanang siya ang pinili mo at hindi ako.
At ang bawat segundong lumalabas ang kanyang pangalan sa aking mga inbox ay pagpapatotoong tapos na tayo.
Sinira mo ako. Dinala mo ang katiting kong pagkatao noong pagkaalis mo.
Hawak mo ito sa iyong kanang kamay habang ang iyong kaliwa'y nakakapit sa kanya,
At iniwan mo akong tuliro.
Walang laman.
Anino ng taong dating ako.
Katawang tinanggalan mo ng laman at pagkatao.
Damang dama ko po talaga lahat ng isinusulat mo grabe.
TumugonBurahinSimula noong nagawi ka dito sa lungga ko, madalas ko nang nakikita na nagkokomento ka. Maraming salamat, sobra. Bihira na lamang ako magpaskil at nakakapagpangiti yung katotohanang may mga napapadaan pala.
BurahinInaagiw na 'tong bahay ko. Pag nakapaglinis ako, kasama ng iba'y madalas na kitang yayayaing magkape at tumambay dito.
Magandang araw! :)
hugot ito essa . Walang kupas. (walang halong bola) :)
TumugonBurahinSalamat Puge at napadalaw ka :) Nasan na entry mo para sa SBA?
BurahinNalunod din ako. Ang husay nito.
TumugonBurahinMula sa iyong madalas ding lunod ang mga sulatin, malaking bagay na malamang may mga nakakaintindi ng pakiramdam na di makahinga at naninigas ang mga kamao. Salamat sa pagdalaw Idol!
Burahin