Huwebes, Mayo 23, 2013

Daplis



Kung papayagan ko ang aking sarili
na lamunin ng panahon ang mga
alaala
mo...
natin...
malamang pagkatapos ng isang buwan,
ako ay ubos na
tulad ng upos ng yosi na iyong
tinatapakan
o ng latak ng alak na iyong
itinatapon.

Pagkatapos ng isang buwan,
ako ay maiiwang tila isang
bao
na walang laman...
lagayan
na puro hangin
ang nasa kalamnan.

Pagkatapos ng isang buwan,
hihintayin kitang maalala ako.

Hihintayin kita na ako'y
    sindihan,
    lamnan
muli

at buhayin.

Buhayin sa paraang
buhay ako




para lamang
sa iyo...




4 (na) komento:

  1. tulad ng upos na yosi na kailangan tapakan para makapagsindi uli ng isa pa.. hehehe.. kumusta naman dito, adre?

    TumugonBurahin
  2. balon!! usapang puso ba 'to?! :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ayyy, napadaan si Ate Iya (at wagas akong maka-ate)

      Medyo balon nga po. Balon-balonan.

      Pero syempre, epic fail yung joke ko.

      Medyo usapang puso nga po. Nahahawa lang din po sa madalas ninyong pagemote-emote. :)

      Burahin
  3. parang chicharon na walang laman, puro hangin lang.

    isusumpa ka nya, at pagkatapos ng syam na buwan,
    gagamitan ka nya ng summoning technique!

    lol

    TumugonBurahin