Martes, Hunyo 4, 2013
Kapit
Kinakapa at pilit kong hinahanap ang iyong mga daliri.
Ika mo nga'y tayo ay mga taong dilim.
Na ang pagtanglaw sa maulap na kalangitan ay isang bisyo na ating pinagsasaluhan.Tulad ng dagliang pagdampi ng ating mga labi sa isa't isa.Tulad ng ating walang kibuan habang nalulunod sa kanya-kanyang kaisipan na may hawak na tig-isang tasa.Sa bawat di pag-imik kapag ang isa ay balisa.Sa lahat lahat ng bisyo, ng pagpapakasasa, ng gawain, na di magawa ng isa kapag di tayo magkasama.
May mundo sila.
May mundo kayo.
May mundo ako.
May mundo tayo.
At ang pag-iisa ay matatagpuan sa takot natin pareho sa dilim.
Sa takot na nawawala din naman tuwing magkahawak ang kamay natin.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Hindi ko alam na nandito na ulit ito.
TumugonBurahinMaraming salamat kay Senyor sa pag-feature sa'yo sa kanyang blog at nalaman kong sumasahimpapawid na namang muli ang "Babae pala si Satanas"!
Marami-rami rin ang iba-backread ko.
Magandang araw Ms. Essay.
Sir! Kumusta po?
BurahinTuloy pong muli sa bahay ko. Wala nang agiw yan, napalinis ako ng bongga dahil sa ipinaskil ni Senyor. Nahiya naman ako at ikaw ay nagawi dito.
Pasensya ka na, napakomento ako.
BurahinNatuwa lang ako kasi marami-rami na ring blogger ang nasa sabaw moments ngayon na ilang buwan nang walang update at iba naman'y tuluyan nang nagpapaalam sa hindi malamang dahilan pero heto "Ang Babae pala si Satanas" back with a vengeance (haha, parang movie lang).
Sulat lang. At 'wag ka na ulit lumisan, nakakalungkot 'yun. (Sus, ang arte.)
Natural na ang ating mga mata'y madaling masanay sa dilim. Katulad mo, katulad nila.... takot sa dilim lalo't nag-iisa.
TumugonBurahinMakahanap nga rin ng kaholding hands.... TNT... :D
ayab u essay... :D
Kailangan na natin humanap ng kolondian natin, Shy. Wagas wagas ang paglolondiang nagaganap ngayon sa blogosperyo. TNT. Miss na kita! Kita kits bagets! ;)
Burahinito ba 'yung sa puro salamin ang kisame? hehehe
TumugonBurahinPag ako ang nagsalita o nagkwento, mahalay agad? Kelangan ganon? Ayyy Sir, napaghahalataan! Hahaha.
BurahinMaganda ang may salamin sa kisame, mantakin mo iyon. Parang yung magic na dala ng anino sa pader. O kaya ng kahit anong makakapagpakita sa'yo ng nangyayaring....
...... sayawan.
*ubo ubo*
Dilim, Parang background mo lang, simple pero madilim, parang soloobin mo, magmula nang iwanan ka nya, biglang dumilim, bili kana ng ilaw, mura lang naman yan, sus! haha
TumugonBurahin