Biyernes, Hulyo 11, 2014
Sa bawat letrang itinitipa ko
Walang nakapaghanda sa akin sa katotohanang kasabay ng pagkawala ng tanginang taong inakala mong hindi ka iiwan, ay mawawala din ang parte ng sarili mong nabuo at natagpuan mo sa piling niya.
Hinanap ko ang sarili kong iyon
sa tuktok ng isang gusali sa Makati,
sa gulo at takot sa Zamboanga,
sa damuhan sa ilalim ng araw sa Taguig,
sa gitna ng isang pulutong ng tao sa kahabaan ng EDSA,
sa gintong sahig ng mga templo ng Bangkok,
sa ingay ng mga nagiinuman sa CubaoEx,
sa mga dalampasigan ng Boracay,
sa maligamgam na bukal ng Laguna,
sa mga palaisdaan ng Capiz,
sa loob ng isang matandang simbahan sa Aklan,
sa hangin na dala ng taas ng Tagaytay,
sa init ng tanghali sa Cavite,
sa mga alon ng Romblon,
sa himpapawid,
sa gabi,
sa lasa ng kape,
sa lamig ng madaling-araw,
sa bawat bote ng alak,
sa bawat guhit ng pintura sa aking mga daliri,
sa bawat hithit ng sigarilyo,
at sa mga alaala ng aking sarili na nagmumura, lumuluha, tumatalon sa tuwa ----
sa mga alaalang pinuno ng mga imahe mong nakayakap sa akin,
sa mga mabilis na pagdampi ng iyong labi sa aking buhok,
sa mahigpit na paghawak mo sa aking kamay tuwing di mo namamalayan.
Hinahanap ko ang aking sariling nabuo at natagpuan ko sa piling mo.
Walang nakapaghanda sa akin sa hirap at tagal ng proseso.
Walang nakapagturo sa akin kung, putaaaanginaaaa, paano.
Walang nakapagdetalye na sa tuwing pakiramdam ko'y makakapa ko na sa loob ng puso ko ang kakarampot na kasiyahang bubuo dito'y tatangayin agad ito ng hangin dahil sa alaala ng tawa mo.
Ako'y patuloy na titingin sa mundo sa pamamagitan ng patay na mga mata,
dahil ultimong mga liwanag nito'y
nasa mga palad mo pa.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

damang-dama ko ang pinagdaraanan mo...
TumugonBurahinat malamang maraming makaka-relate sa post mo.
Damang-dama ko din ang pagka-emo ng sangkatauhan nitong mga nakaraang, at sa mga dadating pang, mga araw. Langyang tag-ulan nga naman, oo :)))
BurahinMaraming salamat sa pagdaan, Marvie!
Sa tagal ng panahon, ninais ko muli itong makita
TumugonBurahinNalulugod naman ako't ika'y sumusulat pa.
Hindi man madalas. Pero sa parehong tema.
Matagal na proseso. Bagay na hind kasiya-siya.
ngunit bilang isa sa mga humanga.
Pag natapos ang lahat. Sana'y mabasa ko pa kung anong susunod na pahina.
Reilly, saludo ako sa walang humpay mong pagsuporta :) Ipagpaumanhin nga lang at medyo marami pang dadating na ganitong mga klaseng sulatin. Mukhang di pa din mahagilap ng mga daliri ko ang liwanag kahit anong praktis ang gawin eh :)
Burahinang galing nyo po talagang sumulat..pagbinabasa ko yung mga post nyo parang nararamdaman ko na din yung nararamdaman mo..at ngayon lang ako nagkalakas ng loob magkomento..dalasan nyo po sana ang pagsulat para mas marami pang mainspire :) salamat!
TumugonBurahinArriane, di ko alam kung paano ko nagawi sa lungga mo, pero kung ano pa mang dahila'y salamat ng madami dahil simula ngayo'y kasabay na kita sa mga emo na eksenahan eh noh? :)
BurahinMagandang maulang araw sa'yo! :)
Sa wakas at natapos ko na ding basahin lahat ng naisulat mo :) Ang galing mo po idol haha sana more update para may mabasa pa ko xD
TumugonBurahinNa-broken hearted ka pala. Tara pagkwentuhan natin yan! Maganda sa Cubao X!
TumugonBurahin