Ang ganda pa naman ng gising ko, Ale. Naligo, nagbihis, kumaen ng paborito kong tocino, nanood ng tagalog na Spongebob.
*buntong-hininga*
Umalis ako ng bahay ng late na, dahil alam kong Biyernes ngayon, at binigyan ko ang sarili ko ng karapatang mag-cutting. Alam mo Ale, di ko naman inaasahan kaseng mababago ko ang mundo sa pagkapasa ko sa pag-aaral. Lalo na kung ang pagliligtas ng mundo ay mangangahulugang ililigtas ko ang mga tulad mo.
Sumakay ako sa jeep. Yohoo. Ang hangin. Tas nakatsamba pa akong makaupo sa dulo, sa tabi ng estribo (Habit ko na yun, baka kase may pumasok na manghoholdap, para masipa ko agad palabas ang pagmumukha nung ganoong kriminal). Andun ka o, nakaupo isang metro mula sa akin na may kalong na maliit na plastik at may katabing batang lalake na tingin ko'y anak mo.
Hay. Ang ganda ng umaga.
"Bayad po. Makikisuyo po." :) Ang sarap maging magalang pagkatapos makanood ng kabobohan ni Patrick. Buti nalang tao ako at hindi starfish, kaya dapat marunong akong gumalang.
GUMALANG.
At ayan, Ale, nung narinig mo ako, lumingon ka saken, tinignan ako mula ulo hanggang paa, tas mula paa hanggang ulo nanaman. Sabay sabing
"Ikaw ang mag-abot. Upo upo ka dyan sa dulo tas magpapaabot ka ng bayad? Kita mong may plastik akong hawak tas kapit ako dito sa bata. Tsaka pababa na ako."
Napalingon tuloy saken pati yung ibang pasahero. Wag ka mag-alala, Ale, di ako nagmake face nung inalis mo na tingin mo saken. Di din kita tinignan ng masama.
Mabuti nalang maganda gising ko. Napatunayan ko yun nung walang umusbong na "PUTANGINA MONG BABOY KA. KAYA SIGURO BADTRIP KA KASE INAYAWAN KA NG ASAWA MO KAGABI. ANTABA MO KASE, ANG PANGET PA NG UGALI MO" sa utak ko. Napatunayan ko yun nung di ako sumagot sayo ng isang "EH BA'T DYAN KA PALA UMUPO KUNG AYAW MONG MAG-ABOT?"
Yung anak mong batang lalake, tingin ng tingin saken, at nakita ko ang pagtataka niya sa laki ng pagkabilog ng kanyang mga mata. Sigurado akong nagtaka yung anak mo kung anong ginawa kong sobrang sama para pagsalitaan mo ng ganun.
Sabi mo malapit na kayong bumaba, Ale. Limang minuto mula nung sumakay ako, di ka pa pumapara. Napag-alaman kong bababa ka pala isang kanto pa bago ang sarili kong bababaan.
Kaya nung pagkababa mo, lumapit na ako sa drayber, nagbayad. Napatingin saken si Manong with matching "Ang baet mo naman, di ka pumalag" na nagpangiti nalang saken.
Ale, siguro di malaking isyu sayo yun, pero para saken, oo, big deal.
Ang ganda ganda ng umaga ko, babahiran mo ng dungis ng pagkagago mo. Buti at di pumutok pasensya ko.
Kaya ngayon, naisip kong
- Una, Ale, Pinoy ka ba? Dahil alam ng bawat isang Pinoy na kapag nasa jeep ay mao-obliga kang mag-abot ng mababahong mga barya mula sa mga kamay na kung san san na humawak. Simpleng Filipino courtesy.
- Pangalawa, naging magalang ako. Ikaw, ano tawag mo sa sarili mo? Anong tawag mo sa ginawa mo?
- Pangatlo, madadala ako sa isang isang simpleng "Naiinggit ako sa chandelier earrings mo, at dahil sa inggit ko, ayaw kong iabot ang bayad mo", o sa "Bata ka pa, sariwa kumbaga, at ipinamumukha mo saken na matanda na ako at mataba na. kaya iha, ikaw na mag-abot". Tumatanggap ako ng kahit anong dahilan na para saken ay papalo para sa rason. Kaso tinaasan mo ako ng boses, Ale. Sa di malamang dahilan. Isang "Pasensya na, di ko maiaabot eh" could work miracles, Ale.
- Pangapat, di ko alam ano pinagdadaanan mo. Siguro madami kang kaaway noh? Siguro lubog ka sa utang? Siguro paborito ng anak mo ang fried chicken pero tuwing luto mo'y may dugo padin ang laman? Siguro naubusan ka ng sabong panlaba? O kaya, siguro, Ale, tigang ka na? Kung ano man dahilan mo para subuking babuyin ang umaga ko, wala akong kinalaman dun.
Kahit na. Ang ganda padin ng umaga. Hay.
Dadi Lord, pasensya na kung di ako agad makaget over kay Ale.
Ale, nahiya ako para sa anak mo. Di ko ikukundena ang pagiging tarantado mo dahil mas tarantado pa ako sayo. Nahiya ako para sa bata dahil alam kong sa ugali mo, di mo sya kayang turuan ng kagandahang-asal, o kahit ang basic na PAGGALANG. Ale, kung anuman ang dinadala mo, sana di mo ituloy ang pangiinis ng mga taong makakahalubilo mo ngayong araw. Tsaka siguro, marami kang kapit-bahay na handang sumalang sa Face-to-Face para bara-barahin ka.
Dadi Lord, alam kong maliit ang tsansang mabasa ito ni Ale, pero ganun padin, ipagdadasal kong sa isang pahagip na paraa'y maiparating mo sa kanya
na sa dinami dami ng tao sa mundo,
sa dinami dami ng masama ang loob sa kanya,
yung estrangherong sinungitan, binastos, at pinahiya niya sa jeep
ang di sumagot sa kagaguhan niya, at bagkus
ay inubos ang isang buong magandang umaga
PARA INTINDIHIN SIYA AT ANG MGA PINAGDADAANAN NIYA.
Amen.
P.S.
Ano moral lesson?
Wag magsuot ng chandelier earrings dahil may mga naiinggit.


